Datasets:
author
stringclasses 10
values | sentence
stringlengths 10
1.44k
| Jose N. Sevilla
int64 0
1
| Engracio L. Valmonte
int64 0
1
| Balbino B. Nanong
int64 0
1
| Honorio López
int64 0
1
| José Rizal
int64 0
1
| Cleto R. Ignacio
int64 0
1
| Fausta Cortes
int64 0
1
| Juliana Martinez
int64 0
1
| S. A. D. Tissot
int64 0
1
| Ismael A. Amado
int64 0
1
|
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Jose N. Sevilla | ilang ilang niao'buwan ng diciembre at ang malamig na simoy ay umaanyaya sa tanang na sumangap ng maligayang sandaling iniaalay ng kaparangan, at baga man dito sa ati'di kaugalian ang magaksaya ng panahon sa paglilibang, ay ilan kong mga kaibigan ang nakipagyari sa akin na kami'maglakbay sa kagubatan ng mindoro, upang doo'magparaan ng maligayang panahon sa panga ngaso. hindi naglipat araw at guinanap namin ang pinagkasunduan at karakaraka'ang aming mga aso'naka amoy ng lunga marahil ng usa kaya'unahan kaming sumunod sa tungo ng kanilang mga tahulan. sa pagtugaygay na iyao'natiwalag ako sa aking mga kasama at sumandaling humimpil sa lilim ng isang mayabong na kahoy na di ko alumana kung ano ang kanyang pangalan, baga mang labis akong napapataka na sa gayong ilang ay masamyo ko ang di maisaysay na bango na lubhang laganap sa kagubatan na pinaiibayuhan ang bango ng sa tanang sampaga. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nakaraan ang isang malaking bahagui ng araw at ang pagkainip ay sumagui sa akin, sa di pagkaringig ng anomang hudyat na aming pinagkasunduan, at di ko naman malaman kung saan sila napatungo, kung sukatin ko naman ng malas ang napakalawak na gubat na namamagitan sa akin at sa kabayanan, ay lubha akong nalulula sa di matapos tapos na mga dawag, na sumasatitig. ang panglulumo ay naghari sa aking damdaming di sanay sa gayong mga ilang at nawalan ako ng kayang lumayo pa'tuntunin ang landas, sa panganganib na sa pagsasapalaran ko'makasalubong ng mababangis na tamaraw. ano pa'ang pangangamba'lumaganap sa aking kalagayan at sa kadahilanang ito'inihanda ko ang taglay na baril, upang ipagsangalang kung ito'kakailanganin, subli'lalong lumala ang aking pangingilabot, nang mausisa kong wala ang mga punglong taglay at nahulog sa aming pagtatakbuhan, ng di ko man lamag naalumana. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | gumiyaguis na nga sa akin ang lubhang malaking pangangamba at ng tumama ang aking mga titig sa nangungulimlim na pananglaw sa sandaidig, ay napagsiya kong nangungubli nang nagmamadali sa likod ng isang matarik na bundok sa kalunuran. ang pag aalinlangan ay namalagui pang sumandali sa pagayong anyo na nakapangingilabot na banta ng pagkalungi at lubhang binabagabag ang di ko hirating kalooban sa gayong kasindak sindak na kalagayan, nang sa di kawasa'nakamalas ako ng isang matanda, na nagbubuhat sa kalaliman ng isang masukal na yungib na makubli'mamataan ko sa kasukalan ng gubat. sa pag aantay na ito sa inaasahang tagapagtangol marahil sa kapanganibang kong kinalalagyang, ay sumagui naman sa aking ala ala ang mga singaw lupang lagui kong naringig sa matatandang alamat na ibinadha tuwi na, ng nangamatay ko nang mga nuno. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | baga mang ang pagkatakot ay labis na nagpapasakit, ay pinapaghari korin sa sarili ang mayamang aral ng na pinagsikapan ng aking mga magulang na siya kong palaguing panangnan sa ano mang kapanganyayang haharap at ang pakatiwala kong ito'siyang bumubuhay ng aking loob. sa aking mahabang pananalangin ay dumating din ang inaantabayanan nang hindi man lamang ako nainip at pagkalapit niya sa aking kinalalagyan, ay naulinig ko pa ang ganitong pag aawit: oh hiwagang lagui sa mga pangarap aliwan ng laguim na nagpapahirap ikaw nga ang siyang wagas kong pag asa, na magkakandili sa luoy kong puso na pinakaapi at tuwi tuwi na'inayop ng dusa; at siyang hantungan ng mga paghamak ang nilungoy lungoy ng aba kong palad. ikaw din ang kusang lubos sumiphayo sa niluhog luhog ng aba kong puso; at dina na awang mag gawad maglagda ng hatol na imbi na siyang papatay sa abang kumasi'walang kasalanan kahit na ano man, kundi ang sa iyo'lubos na isuyo ang iyong nalamang hindi man kinuro. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kung ang mga laguim at pagkahilahil siyang magdudulot sa iyo ng saya iyo ng sabihin at aking gagawin ang ano mang ibig na ipababata kahit ikaputi ng aking hininga. pagkaraan ng kanyang pagaawit ay tumanong. ano, anak ko ang naghatid sa iyo dito sa ilang na pook? kagalang galang na matanda ang aking tugon ang maling akalang aksayahin ang panahon sa paglilibang at ligaliguin ang nangatatahimik na hayop sa kanilang himpilan. ikaw baga'nag iisa? sa ngayon po; pagka'ako'napatiwalag sa aking mga kasamang hindi ko malaman kung saan nangapasuot. lubhang malayo ang iyong kinapatunguhan. ano pong pook ito? ang usisa ko sa kausap. ito ang lupalop na pinamagatang ilang ilang ang tugon sa akin. ilang ilang!. ano po ang kahulugan niyaon? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | iyao'isang buhay, sumandaling nagkuro ang aking kausap at saka ipinatuloy yamang hindi ka rin makababalik sa kabayanan, samantalang hindi umuumaga, ay pakingan mong sumandali ang isasalaysay, kasabay nang anyayang magparaan kami ng mapanglaw na gabi sa kanyang kublihan. nagkakaakbay kaming lumusong at hinawi ang nangangapal na talahiban, samantalang ang sisikdo sikdo kong puso ay nagbabalita sa akin ng isang bagay na mahalaga. sarisaring gunita ang sumaisip, balintulot yaring loob; ngunit hindi ko magawa ang umurong pagkapalibhasa'lalong ma panganib ang matulog sa parang. pagkalipas ng paglusong namin sa madilim na yungib na kinamataan ko sa matanda, ay sinapit ang kanyang tahanan, doo'guinanap ang kanyang pangakong ibuhay at ang binanguit na alamat ng ilang ilang ay sinimulan na. nalaman mo anak ko: magbuhat nang ako'gawaran ng sumpa ng makapangyarihan, ay hindi na ako nagkapalad na makaulinig ng tinig tao. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | laguing guimiguiyaguis sa akin ang bigat ng kahatulang iyaon sa nagawang kasalanan, sa hindi rin iba'tunay kong anak na pinag isipan kong gahisin, nguni'ang gayong napakahamak na gawa'pinagdurusahan ko ngayon ng isang napakahirap na parusa, gaya ng tinitiis kong pagkawalang kamatayan, pamamalaguing mabuhay sa ganitong ligalig. paano po ang nangyari? ang pahanga kong tanong. ako'isang binata noon ang tugon ng aking kausap na lubhang mawilihing paglibangan ang tanang binibini, at lagui kong minamatwid kangino man na hindi ano mang kapanagutan sa mga ipinasyang mabuhay kayo at dumami . ang auking mga guinawa. sa di kawasa'nagkaroon ako ng isang anak na napakagandang babayi at sa pag aakala kong iligtas sa mga hibo ng mundo, kung siya'magkaisip, gayon din sakawikaang, baka pagbayad ay dinala ko nga rito sa masukal na ilang, magbuhat pa sa pagkasangol at ng huwag ng makilala ang katauhan at maiwasan naman ang laguing pagkapahamak na sinasapit ng mga walang malay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang pangangalaga sa kanya'ikinatiwala ko sa isang matandang babaying pipi, upang huag niyang makilala ang mga hiwaga sa buhay, ang lihim ng tao, gayon din ang kanyang pinangalingan. sa tuwi tuwi na'dinadalhan ko ng ikabubuhay; nguni'hindi ako na pakikita, upang huag magkapanahong ako'usisain ng ano man. sa di kawasay nang maglalabing tatlong taon sa gayong pagkakatago ay tinamaan ako ng kanyang mga titig at pumanaw sa akin ang damdaming ama. nabihag ang mawilihin kong hilig na mangibig kangino man, na makapag aalay sa akin ng pampawi ng lagui kong uhaw na hangad, at ito ang nag wagui sa aking puso. hindi na ako lumusong sa kabayanan; ang kanyang kagandahan ay bumihag sa akin, at lubhang sumasal ang paghahangad kong putihin ang impok niyang ganda na hindi ko nakita sa boong pinagdaanan sa buhay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | lumipas ang ilang sandali ng alinlangang itaguyod ang napakahamak kong hinangad at naghari din sa akin ang dating iminamatwid na, tayo'galing sa magkakapatid mag aama, at magkakamag anak at pinapaghari ko ang kanyang pagkahangal na di ipinahihiwatig ang katotohanan ng aming pagkamag ama. siya naman, pagkapalibhasa'hindi nagkapalad makaulinig ng tingig ng kanyang kapwa, ay lubhang na aliw sa aking mga pangungusap, lalo na ng maulinig ang matamis na inaawit ng kanyang ina na napaukit sa aking budhi at siya namang lagui kong inuulit, ay ginawaran ako ng mahinhing lambing inilingay ang kanyang ulo sa aking balikat at lalong naghapdi ang sugat ng aking puso at sumasal ang aking masamang hangad. ano pong awit iyaon? iyaon pu bagang naulinig ko kangina. oo; yaon nga at inulit ang magandang kundiman. pagkatapos ay ipinatuloy ang pagbubuhay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dumating ang mapanganib na sandali at gumiyaguis na nag ulol sa akin ang hibo ni satanas, at inakala ko nang ganapin ang marugis na isinabudhi, datapwa'nang isasagawa ko na, ay di naman nagkaroon ng bahagya man lamang na pagsalansang ang aking anak, pagkapalibhasa'di natatahong iyao'sawi sa mga kautusan. inanyayahan kong sumama sa lihim ng kahoy na ating pinangalingan, na siya kong napiling maguing saksi ng kapaslangan kong kakamtin; anyayang hindi sinalansang kahit bahagya at malugod pinaunlakan; nguni'di pinahintulutan ng pagkakataon na maganap, ang aking aasalin at isang malakas na buhawi'binakli ang marupok na kahoy, na niyaong una, ay di man lamang nagagamit sa ano mang kailangan ng tao at siyang humadlang na nagbigay wakas sa aking kaawa awang anak. kapwa kami napatigalgal sa sumandalin iyaon at ipinatuloy ng matanda ang nauntol na ibinubuhay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nang maganap ang malupit na hatol ng pagkakataon akin nang isinaysay pagdaka'lumabas ang isang sugo ng makapangyarihan at bumigkas ng ganito: di mo matutuklas ang kamatayan at mabubuhay kang tagapag alaga ng kahoy na iyang humadlang sa iyong karumaldumal na aasalin. lumipas ang ilang panahon at nang aking datnan ang kahoy na yaon ay labis akona napahanga sa pagkakamalas na hitik na hitik ng mababangong sampaga at isang hibik ang mamutawi sa akin:. na naguing saksi ng aking pagkalungi kailan mo ako patatawarin? muling lumabas ang isag sugo at ibinadha ang ganito: kung kailan, may mapatungo ritong isang tao na mapagsalaysayan mo ng guinanap na sala ay asahan mong pinatawad ka na ng diyos at biglang nawala ang angel na aking kausap at ang binanguit na taong iyaon na aking pagkukumpisalan ay ikao at dili iba marahil na sugo ring nang maykapal, upang pahintulutan niyang ako'umakyat sa kaloalhatian ng langit. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkaraan ng mga salaysay na ito'nawala ang aking kausap at nang aking pinaghahanap, ako'nagsising. ako pala'nangangarap lamang. ang hitso isang ugaling hanga ngayon ay taglay ng mga tagarito sa atin ang ipanalubong sa mga panauhin ang ngataing hitso . ang lahat ng bagay ay maaaring malimutan; datapwa'ang alay na ito na pinagkagawian na lalonglalo na sa mga lalawigan ay tunay na hindi nakakalingantan, at naguiguing catungkulan na halos, ang maghanda, at gumamit na man, lubha pa'kung ang mag aalay ay isang binibini. dahil sa bagay na ito'pinag ukulan ko tuloy ng isang pagkakaabala ang pagtunton kung bakit natuklas ang tatlong bagay na pinaglahok at pinamagatang hitso . bakit ang ikmo, bunga at apog ay nagawang pagsamasamahin, at nagagamit na pang alay sa mga panauhin? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ito ang hindi abutin ng aking pag hahaka at siya namang pinagpumilitang, kahit banaag ay matuklas ang sanhi, at sa matiyagang katatanong sa mga palanganga, ay nahalaw ko ang ibubuhay ngayon; nguni'totoo kaya ang sinalita sa akin? sa ano ma'tahoin natin. isang hapon sa nais kong sumagap ng malamig na simoy na nakaaanya sa mga naaalinsanganan, ay nilisan kong sumandali ang lubhang maraming gawain at tinungong sumandali ang kalapit na nayon ng pasay, na siyang nababalitang may malalawak na ikmuhan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dalawang bagay ang nais kong maganap sa isang kilos, at ito nga'ang makasagap ng malamig na simoy at mapanood naman ang maayos napagkakatanim ng halamang ikmo, na, halos maituturing ayon sa kabalitaan, na ang bayang iyaon ay siyang sinisibulan ng pinakabuting ikmo na pinagkakabalahan kong alamin; ngun'di lamang iyaon ang napala ng aking paglilibang at hindi ko man kinukusa ay nakaulinig ako ng isang nakalalaguim na pag aawit na nagbubuhat sa isang masukal na bulaos na nakakalungan ng makapal na gubat ng ikmo. tumiguil akong sandali at pinalad namang masapol buhat sa simula ang talaytay ng kundimang ganito ang hanay; malasin guiliw ko ang daloy ng tubig na nagki kinangan sa galaw ng batis, malasin ang bula sa pamimilansik at iyong itulad sa iyong paglingap, at kung yaon nga ang siyang kawangis dagling kamataya'akin masasapit. gayon din masdan mong napa iitaas ang maputing asong naglalakbay ulap, siya'panganorin iisa sa malas; yaon ba'kawangis ng iyong pag ibig? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kung tunay na gayon, akin ng talastas na ang pag ibig mo'madaling mangupas. ang paro'parito ng simoy ng hangin, nakapagdudulot ng lamig at aliw datapwa'kung gayon ang iyong pag guiliw, ay lubos katulad ng isang pag hamak at wala na akong hihintay hintaying matapat sumintang hantungan ng daing. lubos akong nasiyahan sa kataong iyaon, at ng matapos ang mapanglaw na pag aawit ay pinapaglakbay ko ang isipan sa kalawakan ng mga hiwaga, hinahalaw doon sa tanang malikmata, ang isang kagandahang mapag uukulan ng matimyas na tingig na aking napakingan. pagkalipas ng ilang sandali, ay sumatitig ko na naman ang nagdidilim na ikmuhan at nanariwang muli ang sanhing ikinapatungo ko roon, ang dati ring nais na matalos ang pinagbuhatan ng paggamit at pakikinabang sa isang halamang sakdal hangalay, na gaya ng ikmo sa di kawasa ay lumapit sa akin at malugod na bumati ang isang matanda, na tila tunay na kakilala kasabay ng malugod na anyayang magtuloy sa kalooban ng kanilang bakuran. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nang unang bugso, ay sumagui sa aking loob ang isang malaking alinlangan; nguni'dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki na ako'magtuloy. pagdating namin sa loob ng halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang papag papagan ang isang binibining napakahinhin ang anyo, na marahil ay siyang pinangalingan ng mapanglaw na pag aawit na aking kinahangaan. matalaghay ang kabuuan ng kanyang maamong mukha; malamlam ang titig kayumanguing kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong at nakabibihag ang maramot na ngiting nanasnaw sa kanyang guinumamelang labi. isang sulyap na panakaw at pagdaka'binawi ang biglang tumudla sa aking puso at ng mga sandaling yaon ay kanyang binihag. tumalilis na biglang tinungo ang halamanan pagkakita sa akin at pagkua'pumitas ng ilang dahong ikmo. di naglao'bumalik sa aming kinaroroonan, muling lumuklok at mabihasang pinagpilas ang mga dahong taglay at pinirot na guinawang hitso. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | di ko sinawaang panoorin ang mahayap na mga daliri at tunay kong kinahangaan, ang kainamang tumangap ng panauhin, na, baga mang di lubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawangis ng isang lalong matalik na kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag alay ng hitso ay kanyang tinupad; nguni'hindi ako marunong ngumanga; at sa nais kong mapaunlakan ang kanyang pagkaka ala ala, ay kumuha ako ng kanyang malugod na iniaalay, kasabay ng isang maguiliw na usisa sa matanda na kung bakit natuklas, na ang bunga, iyaong mapakla at walang saysay na bungang kahoy na di nagtamo ng ano mang pamagat, at ang ikmo na lubhang mahanglay, ay kung mapalahok sa nakapapasong apog ay napag ayaw, at ayon sa naguing hilig na kinaguisnan ay siyang naguing panalubong panauhin. nang una, ay inakala kong ang pag uusisa ay naaksaya at di ko batid na ang itutugon sa akin ay lubhang mapakinabang at mandi'mapaniniwalaang iyaon nga marahil ang pinagbuhatan ng viciong ngumanga. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | isang ganap na kasaysayan ang kaniyang sinalita na uulitin ko ngayon ayon sa nalabi sa aking ala ala: anya'nang mga unang dako, na ang pagnganga ay hindi pa kilala; ang halamang ikmo ay lubhang gumugubat, at sampuong nangaglaboy na hayop sa kaparangan, ay hindi magtamong pakinabang sa halamang tinutukoy. bakit kaya siya pinasibol kung walang kapakinabangan? maraming pagsusumikap ang guinawa, upang huag ng muling sumibol, datapua'isang halamang hindi maagad ng maglilinang pagkapalibhasa'walang pakinabang at isang himutok na inulit ng mga nahuhuli ang sa kanya'iguinawad ng mga nauna sa atin. halamang walang pakinabang, kailan ma'di mamamatay at ang himutok na tinukoy ay naguing sumpang iniukol ng mga nahuhuli sa ano mang bagay na walang maidulot na kapakinabangan. isa pang halamang lubhang nanghahaguay na may masagananang bunga, ang hindi rin pakinabangan at siya namang pinag uukyabitan ng halamang ikmo . | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa kasaganaan ng bunga ng halamang ito na, walang mapaggamitan, ay hindi pinagkalooban ng ano mang pangalang pagkakakilanlan, gaya ng sa ibang bungang kahoy, yamang hindi rin lamang siya nagagamit, at nangasyahan na ang nanga una sa atin na pamagatan siya ng pangalang: bunga . | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang lahat ng nakilalang halamang bumubunga at nag dudulot sa mga tao ng ano mang pakinabang, ay nagtamo ng pangalawang pangalang pinakasaguisag na pagkakakilanlan; datapwa'ang halamang bunga ay siyang napakatangi na hindi nagtamo ng biyaya mabinyagan, at ang kanyang puno ay pinamagatan na lamang ng bunga lubhang maraming salin saling kaugalian ang yumaon ang idinugtong ng matanda ang mga bagong sibul na batbat ng katalinuhan, ay di nangasiyahang siya'panoorin na lamang at gamiting palamuti sa mga kaparangan, hindi nayag na siya'hindi magamit, at lahat ng sikap ay guinugol upang maangkapan ng ikapakikinabang sa kaniya; nguni'ang kanyang tingtinging puno ay hindi maagpang sa ano mang paggamitan dahil sa napakarupok, datapwa'isang kataon, (yamang nginanganlan kataon ang mga bagay na nangyayari ng hindi kinukusa, baga mang ang lahat ng bagay ay nakatakda, na talagang mangyayari) ay isang tanghali umano na ang isang taong hindi pa nakasasapit sa mga lupalop na yaon at hindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating ibinubuhay (ang ikmo at bunga, ay sinumpong ng pagkadayukdok at walang malamang sulingan ng katutuklasan ng ipagpapatid gutom. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | tinamaan ng kanyang malas ang puno ng halamang hitik na hitik ng mapupulang anaki'hinog na bunga, at sa paniwalang makapagdudulot sa kanyang kagutuman ng malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at linasa ang pinakalaman; subali'tangi sa isang matigas at mapaklang nakapaglalaway, ay wala siyang nalasap; bagama'binayaan na sa kanyang bibig yamang lubhang nanunuyo ang kanyang lalamunan at iyao'nakapananariwa. sa malaking kagutuman ng abang napaligaw na yaon ng landasin, ay lumabnot ng ilang dahon ng ikmo na nagsusumawang lumingkis sa puno ng bunga nginata rin at ninamnam ang mahanglay na dahon ng ikmo nguni'hindi tangapin ng kanyang sikmara at ang laway niya ay lubhang kumakatay; subali'ang hindi kinukusang pagkakahalo ng ikmo sa bunga ay nagkatalo at ang pakla at ang hanglay ay nakaayaw at nalasap niya ang isang panglibang na ngataing nakapagpapasariwa ng lalamunan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa di kawasa ay dumating siya sa isang bahay at sa masidhing hangad na makakain kahit na ano, ay tinikman ang isang bagay na maputing nasa isang munting pasu pasuan sa ibabaw ng bintana; ang maputing kanyang tinikman, ay apog na ipinanguguhit ng may bahay sa mga panakot ng halaman. hindi niya sinasadya ang pagkakahalo halo ng tatlong bagay na hindi kilala; ngunit wari'pinagtiyap itinuro sa kanya ng pangangailangan ang isang ngataing panglibang sa gutom. tinaglay niya hangang bayan ang tatlong bagay na kanyang natuklas at ipinagparangalan sa mga dinatnan. aanhin mo iyan? ang usisa ng kanyang mga kasama sa bahay. ang tugon kung nalalaman ninyo ang kapakinabangan ng tatlong ito kung magkahalo at ipinakitang muli ang ikmo, bunga at apog ay walang salang di ninyo pakamamahalin. anong pakinabang ang maidudulot ng tatlong bagay na iyan? bilang tugon ay naglahok at inialay na pinatikman sa mga kasangbahay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | labis daw na napahanga ang mga dinulutan sa pagkakalasap ng isang mabisang pampasariwa ng lalamunan, at buhat na noo'pinasimulan na ang pagpapatikim sa bawa'dumating na kasambahay, hangang sa naguing kaugaliang ipanalubong sa panauhin ang hitso . ang salitang paglahukin ay itinutumbas nila sa salitang pahitso at hanga ngayon ang mga panday ng pilak ay tinataglay pa, ang salitang pahitso sa paglalahok ng guinto. sa pamamag itan ng salinsaling kaugalian ay binawas na ang salitang sa hitso yamang yaon ay pangdugtong pangungusap nga lamang. pagkatapos ng malawig na salaysay ng matanda ay tinikman ko kapagdaka ang inaalay sa akin ng binibini at doon ko napagsiya na tunay ngang nakalilibang at nakapananariwa ng lalamunan, at kung mahirati na sa pagngata niyaon ay naipampapawi na raw ng uhaw at gutom, ang pinagpalang hitso . sa lahat ng iyaon, at sa panganga nib kong ako'kayamutan ay napaalam na, at nangakong muling babalik. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | samantalang binabagtas ko ang ikmuhan ay muli kong naulinig ang mapanglaw na pag aawit na bumihag sa aking puso. sino kaya ang pinag uukulan niya ng mga panambitang iyaon? siya kaya'may katipang tumatakuil sa mga ipinangako? ito ang bumabagabag sa aking sarili nang papauwi na sa bahay at siyang umaanyayang muli siyang sadyain; nguni'lubos na nagpasakit ang mabisang panibugho sa kanyang pinag uukulan at siyang sanhi ng di ko na muling idinalaw. sabay kong natuklas ang pag ibig at ang. hinihiling sa aking kasayaha'tulain . saan man ibaling yaring pag iisip nakikita'luha at mga pasakit kahit sa sariling buhay na tahimik gayon din sa bayang pinakaiibig ay walang lumual sa kudyaping tingig liban na sa lungkot at mga ligalig. sa bayan ang malas kung aking itanaw ang nangakikita'pawang kapanglawan, magkabi kabila'ang pag iiringan na inihahasik ng buhing makamkam at nangagnanais tanghali'igalang kahit na mahamak ang sariling bayan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa kabila noon ay bilang pamana na kanilang alay sa bayan at ina, ay ang pang aapi at pag alimura; ang gayo'kung aking mapag ala ala tinis ng kudyapi ay ngangapa ngapa at ayaw magbigay ng lugod at saya. at paghamak lamang, pagsumpa'pag ayop daing ng hinagpis ang itinitibok nalilimot tuloy ang ugaling bantog na mahinhi'wagas ng lahing tagalog, dahil sa iilang asal na sumalot ng sariling yaman hindi man inimpok. ano kaya ngayon ang aking gagawin sa iyong napitang ako'paawitin guinaganap ko man ng boong pag guiliw ay ang lumuluwal na tinis ay daing at hindi pumulas ang mithi mong hiling. kasayaha'nanaw sa aking damdamin. pagtamanan mo na ang taghoy ng puso kahit napipigta sa luhang tumulo, pagka'ang ligaya ay hindi makurong kusang magwawagui sa madlang siphayo, na nangingibabaw sa puring nag laho, sa puring salantang, lugami at hapo. nakasunod kaya sa hingi mo'pita ang anak na busong sabik sa ligaya? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi man nasiyahan sapagka'di kaya ang daliting ngayon ang iyong ligaya ay lubos tangapin ng boong pag sinta: larawan ng dusa. ang tubo ang mga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan; datapuwa'lubhang kailangang buhayin ang mga salinsaling balita yamang ang karamihan ng ating pinaniniwalaan ay badha niyaon, at ng mga pangyayari; kaya'ang sasalaysayin ngayon ay tunay na hindi ko na malaman kung saan ko naringig kung sa aling kasaysayan ko nabasa bagamang sariwang sariwa sa aking ala ala ang pagkakapangyayari. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | katanghalian daw noon ng buan ng marzo, mainit na lubha ang daloy ng mga sinag ng araw, kaya'ang kaalinsanganan, ay di magpatiwasay sa madla, lalong lalo na doon sa mga pangkating pinag uusig ng mga batas, doon sa nangabubuhay sa pamamag itan ng pawis ng iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yungib sa kaparangan; doon sa lupalop na pangublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na langit ang tanang kabuhungan kanilang lagui nang ikinaaaliw. sa panig ng sansinukob na pinangyarihan ng buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa mga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'manganlong, doo'wala nga, iyaong malalabay na sanga ng nangag lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madla ng malalamig na lilim kung katanghalian, at tangi sa ilang halamang gumugubat na kawangki ng palasan ay wala ng iba pang sumisibol. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang halamang ito'mabulo ang pinakakatawan matatalim at nakasusugat ang kanyang mga dahon, at walang munti mang maituturing na pakinabang sa kanya; ang sino mang mapasagui, ay dumadanas ng isang di magpatahimik na kakatihan kawangki ng tinatawag nating. umano'sa mga kadawagang iyaon nangungubli ang mga may malalaking sagutin sa pamahalaan, pagka'doo'hindi nakasasapit ang lalong masigasig na kagawad. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | apat kataong nagkaisa ng ugali, at nangasawing mamuhay sa pamamag itan ng panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nangag sambulat sa mga landasin; ang mainit na simoy ng katanghalian ay tumutupok sa kanilang mga noo at nagparamdam ng malaking kauhawan; datapwa'ang kanugnog na yaon ng mga lupalop na di sinasapit ng may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan ng tubig; doo'walang mga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya'ang pagngangalit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw ng pakikiayon, yamang wala namang ibang magawa. sa di kawasa'nakasalubong sila ng isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katangian at mandi'umaanyayang siya'pakagalangin, datapwa'ang sibul na marungis na budhing taglay ng apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang paglibangang uruyin ang kagalang galang na matanda. ang isa sa kanila ay siyang unang umaglahi. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | matandang hukluban, saan ka paro roon sa ganitong kainitan? ang pang unang tanong. ang dugo nito ang ating inumin ang saad ng pangalawa kasabay nang bunot ng itak sa sukbitan na biglang iniyamba. antabayanan muna nating siya'tumugon, bago ganapin ang nais ang salo ng pangatlo. magsalita ka ang pakli ng pang apat. aking hinahanap anang matanda ang panig na aking tinutuklasan ng pampawing uhaw. sa tuwing hapon ang dugtong kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako ng makapangyarihan na makasimsim ng pampawing uhaw. at saan ka naman kukuha ng maiinom sa kadawagang ito, na kinaigahan ng tubig at kinaitan ng kanyang balong? tingnan natin at tila ito ang makapag aalay ng ating kailangang di matuklas ang anas ng isa sa kanyang kasama. kung ang pagkakatiwala sa kanya'ating ilalagay ay matitira tayo sa isang kabiguan ang paangil na tugon. narito anang matanda ang lagui kong iniinom kung dumarating ang oras na aking sinambit. dito'walang batisan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ko kailangan ang makikinang na daloy ng batis, upang ipamawi ng kauhawan; sa aki'sukat ang mga halamang inyong namamalas, pagka'sa kanya'nananamnam ko ang matamis at masaganang katas, sa mga oras na ang sumakop sa tanan, ay nagsabing 'sa kanyang pitong wika, bago naglakbay sa kalowalhatian ng langit at tinalikdan ang pagkatao. tila ito'may nais magpalaganap dito ng mga katakata niyaong mga mapagsampalataya ng kung ano anong kadayaan. ang taong ito'tila tayo ang pag lalaruan ang sabad ng isa. may orasan ba kayong taglay ang malumanay na usisa ng matandang inaaglahi. ang orasan namin ay anyo ng araw na lumiliglig sa boong tinakpan. ano na kayang bahagui ang ating kinalalagyan? tayo'nasa ikatatlo na ng tanghali; yaong oras na inaantabayanan mo upang numamnam ng pinakananais naming pampawing uhaw. hayo ipakita mo sa amin ang pagsipsip ng katas ng halamang iyong sinambit at kapagkayao'aglahi lamang ay kaawa awa ang iyong sasapitin. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkaringig ng bihigkas na ito ng nagtatapangtapangan tulisan ay lumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa lumikha ang kanyang kalagayan; at pagkaraos ng pananalangin ay nagtuluyan bumakli ng mga halamanang naroon at pinangos na sinipsip ang katas. pagkakita nito ng mga tulisan ay nangagsitulad sa matanda at nakipangos naman; datapwa'ang kanilang nalangap, ay ang di masaysay na hanglay at sa kadahilanang ito'inasod ng palo ang kagalanggalang na matanda hangang sa nalugmok sa mga nagkabalibaling sanga ng halaman. sa gayong kahabag habag na anyo'nagturing: oh mga kulang palad! | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | darating ang panahon na inyong pagsisisihan ang inasal na kaimbihan; pagka'sa inyong panunumbalik sa puok na ito sakaling kayo'magkapalad na tanglawan ng pananampalataya sa ating mananakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa'tilamsik ng mga dugo ko ay sisibulan ng ganyan ding halaman; subali'ang bawa'dito'tumubo, ay magdudulot sa katauhan ng isang malinamnam at matamis na katas, na siyang katutuklasan ng tanan, ng isang mabisang pampawing uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailanganin ng katauhan, pinaslang ninyo ang isang nahilig sa pagninilay ng mahalagang ng ating nawa'siya ninyong laguing pakinabangan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nakaraan ang isang munting bahagui ng panahon, ang pagkakataon ay naguing tagapamag itan upang ang apat na buhong ay muling mapabalik sa kanilang pinagdausan ng huling kalupitan at nang magunita nila ang mga huling binikas ng napanganyayang matandang kanilang inumog, ay dumanas sila ng isang pagnanais na alamin kung tunay nga ang kaniyang mga huling panambitan, at di nalaunan, ay su matitig nila ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matataba at lubhang mayabong, at silang lahat ay di nakapiguil ng gayong bigkas: tumubo!. naganap ang kanyang huling tagubilin. at sabay na nangagsibakli ng naturang halaman at kanilang pinangos. isang malinamnam at matamis na katas ang kanilang nalasap, at paulit ulit na binigkas na matamis ang tubo na siyang kaipala'sumapit sa ating kapanahunan at ang salitang iyaon na niyaong una'pinalalawig upang ang maguing kahulugan ay supling ngayo'bigla na kung bigkasin at nakikilala sa pangalang tubo. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | bilang pasasalamat ay isang mataos na dalangin ang kanilang pinailanlang sa kalawakan ng hiwaga at isang matamis na pag aawit ang kanilang naulinig na ganito ang badha: ano kaya yaong tinamaang malas na nangingibabaw sa tanang liwanag nagtaboy na bigla'humawi sa ulap na pinaglagusan ng ningning at sinag at umaanyayang lubusang magalak yaring abang pusong sinupil ng hirap? siya kaya yaong maningning na ilaw na pumapatnugot sa sangkatauhan, pananglaw sa gabi ng nadidiliman at sa may pighati'pang aliw na tunay badhang taga turo ng iisang daan sa mga alagad na nangaliligaw? oh kulang na kulang yaring pangungusap upang patunayan nakikitang sinag, ayo'nagniningning, anaki'busilak sa ibabaw niyaong bunton buntong ulap, ayo'bawa'anyo ay isang pagliyag ang isinasaboy sa puso ng lahat. siya yaong pusong kamahal mahalan na ngayon ay ating kinahahangaan siya ang dinusta at pinakapaslang ng sibat ng sala ng sangkatauhan, siya ri'di iba ang kaguinhawahan at tunay na aliw ng may kalumbayan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dagli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan ng gayong kawiliwiling pag aawit, at nang kanilang makita'lubos napahanga pagka'dili iba kundi ang kaawaawang matandang kanilang pinaslang na biglang nawala sa kasukalan ng gubat. ito nga kaya ang sanhing pinagbuhatan ng halamang tubo?. sa laguing pinagalayan ng mga katha ko .) sa galaw ng tubig; gayon din sa himig na pabalik balik sa lalim, at batong pinag saglit saglit, doo'namamasid ng abang pag big ang kagandahan mo sa linaw ng batis. ang itim mong buhok lugay na nag sabog sa maputing batok, ay siyang anag ag sa batisa'ilog sa dakong pag lubog ng araw sa laot kung makaliglig na sa boong sinukod. at sa pangangarap ng sariling hagap, aking namamalas ang iyong larawang sipian ng. ampunan ng lahat na mga bulaklak na niyuyurakan sa mga paglakad. sa palad na aba kung guinugunita ang pagdaralita ay namamalas kong ikaw ay may awang iniaapula sa agos ng luha ng lunos kong buhay at pusong mahina. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang abang ibinudhi'hindi namalagui, dagling binagabag, at ang pag mumuni'kumalag sa tali, at itiniwali ang aba kong palad na inilugami. biglang nasiwalat dini sa hinagap at ipinamalas ang iyong larawang may hinampong ingat na nagtutulak sa aba kong palad at sa lantang pusong napapawakawak. mga talababa: hayop pa sakdal bangis na pagkaamoy sa tao'sinisila; ito'kawangki ng kalabaw baga man may kaliitan, at kailan may hindi napaaamo. tulang binikas ng magandang binibining natalia buencamino sa veladang idinaos sa, niyong ika ng diciembre ng taong. palatuntunan. ilang ilang, tudling,. ang hitso, tudling,. himig nang pighati, tudling,. ang tubo, tudling,. pangarap, tudling,. mga nobelang sinulat ng kumatha nito mapagpuyat . pag ibig ng isang general . (unang bahagui). mapagkandili. (pangalawang bahagui) | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | mahal kong bago kang dumudungaw sa madawag na tahakin ng maliligoy at balabalahong landasin ng buhay; para namang tiniyap na ang pag ibig ng layas ay kasalukuyang nayayari sa aking diwa; at yamang di mapipigilan ang panahon upang sandali pang umidlip ka sa pinakamaligaya at pinagpalang panahon ng kawalan ng malay ay sinikap kong makasalubong mo at makaulayaw na agad ang salisalimoot na pangyayari sa aking upang iyong mapanalaminan at matiyak na agad ang bunga niyang mga hibo at anyaya ng pita na di kakaunting luha ang pinadaloy; di kakaunting kulang palad ang ipinasulat sa mahabang talaan niyang mga kahihiyan ng kapisanang ating pinakikipamayanan, at libolibong anak na. pagdaka'ulila pagka'walang amang matunton ang sa lahat ng dako ay nangaglisaw. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | tunghayan mo at pagaralang mabuti ang mga aral sa na di ko dadaliriin sa iyo kung alin at saan ang layon at tungo ng pinakabunsong bunga ng panitik ng nagmamahal mong amain; hangad ko sa gayon ang magkaroon ka ng ganap na kalayaan ng pagpili at paghalaw ng mapapakinabang na halimbawang nais mong tangkilikin. ang handog ko sa iyo'isang pagkain ng diwa; pagkaing iba'iba ang uri at lasa, lalong lalo na sa kakanyahan ng mga hugis, bikas at paguugali ng mga babai ng na tubo at mulat sa iba'ibang anyo ng kabuhayan, mga babaing may kanikaniyang likas na gawi na naghantong sa bawa'isa sa kanila, sa palad na iba'iba, na hangang libingan ay maghahatid sa kanila upang tabunang kasama ng kanilang katawan ang mga lihim na naghandog sa kanila ng maraming kapaitan, at tamis man, bakit hindi? nguni'iisang iglap sa piling ng walang pampang na kadalamhatian. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | matuto ka sanang magpakasiya sa alay kong ito sa iyo, nguni'huwag kang lalalo kailan man, at sa pagpili ng palad, na ito'na sa iyong kamay, pagka'pinagpala ka ni na binahaginan ng kaniyang kahilihiling ganda; at ni na di nagpabayang sa diwa mo'naggayak ng dakilang tanglaw ng talino, at ng mabuti mong tala na binigyan ka ng isang kalagayang di naman api; ang mga biyaya sanang iyan na kaloob sa iyo ng bathala natin kalakip ng pantas na hinuha sa handog kong ito, ay magamit mong isang mabuting paraan upang ang kaligayahan sa buhay na ito ay manatili sa iyong tahanan. kung magkagayon, ang binhi ng mabuting layon ay di nasabog sa kabatuhan, ang aking kapagalan ay di naaksaya, at mapasasalamatan ko ng boong kasiyahang loob ang sandaling ilinikha ko ng mga pangyayaring naging mapakinabang para sa iyo, libangan ng aking mga mambabasa at karagdagan sa panitikang tagalog na kasalukuyang pinayayaman. nguni'bago ko tapusin, nakikilala mo ba kung sino ang bayani ng hindi mo nasisinag?. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang kaniyang mga gawa, ay nagdaan sa mga mata mong noo'pikit pa. ang luha ng kanyang mga sinawi ay di miminsang pinahid ng mapuputi mong kamay, ang kaniyang mga sangol ay di miminsan mong iniwi, at kahit wala ka pang malay noon, ay ninasa mo nang bihisin ang mga hirap ng kanyang mga mater dolorosa . at magpatuloy ka ng pakikibaka diyan sa kaaway ng iyong damit na kung tawagin ay lalaki. huwag mong lilimuting sila'may pulot ng pangako sa bawa'pangungusap; may pang gayuma sa kanilang mga titig at may lakas at tapang upang panoorin kang kagaya ng isang sampagang luoy, na samyo at kulay man ay wala na. ang nagmamahal mong amain, . layo; layo alaalang malungkot. bayaan mong tumahimik yaring puso na tulad sa bangkay na walang karamdaman. bayaan mong yaring diwa ay malayang magyao'dito sa matitimyas na pangarapin; huwag mong balakiran ang aking mapayapang sandali, at yayamang nagugumon na rin lamang, ay bayaan mong maganap yaong kasabihan na: . oh pag ibig! | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sumpain nawa ang sandaling ikaw ay dinamdam niyaring puso, yayamang wala kang nagawa sa akin kundi ang iwanan mo ako ng isang kaligaligang di magpatahimik. kay lupit mo para sa aba kong palad! naririto ako ngayon sa pinakamaligayang bahagi ng buhay. ang mga halamanang aking tinatahak ay panay na hitik ng bulaklak; pawang mababangong samyo ang kanilang ihinahatid sa akin saan mang dako ako humimpil; pawang masasaya ang kanilang kulay; busog sa pangako ng ligaya, at animo ba'sa ganitong kalagayan ang kamatayan ay di kabati. isang balitang di pinapansin. walang katunayan. may tago palang mga tinik ang mga bulaklak. ako'dinuro, ako'sinaktan, ako'binalisa. at isang sugat na di na mababahaw mandin ang kaniyang lagak sa akin. lunas ang aking kailangan. pag ibig ang dahil ng aking pag tangis, at pag ibig din ang mainam na pandampi. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sinugatan mo ang aking puso, pinatangis mo ako at lagi nang pinabalong ang agos ng pighati; at nais mong ako'malunod at suminghapsinghap; nguni'ayokong tumangis, ayokong mamatay. magbuno tayo. at ano sa akin kung sa bisa ng aking matibay na tika ay maraming kalolwa ang maghingalo? humanda kayo. humanda kayo mga lipi ni eva; at daraan ang isang pusong walang karamdaman. panahon namang kayo ang magsiluha. ang buko bukong ito na nagsalimbayan sa hinagap ni maneng, ay ginambala ng pagtawag sa pintuan ng isang alila. kinabig ni maneng ang pintuan ng silid at sumungaw pagdaka, ang ulo ng utusan: isang binatang siksik ang katawan, maigsi ang liig, pungok at bilugan ang mga bisig, na tinutulutang mabilad ng mga mangas na maigsi ng kaniyang kamisetang halang halang ang guhit at itiman ang kulay. pagsungaw niya sa silid ni maneng ay inabot pa niya roon na nakasuot panghiga ang kaniyang panginoon. isang baro at salawal na magkabagay na kung tawagin ng mga bandiala ay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sangayon sa kintab at lambot na ipinamalas sa tuwing kikilos si maneng, ay mapagkikilalang yao'yaring sadya sa bombay at pawang sutlang pili ang ginamit at di man lamang sinalitan ng sinulid na bulak, gaya ng karaniwang nabibili sa mga naglalako, sa mga tindahan ng hapon. sa isang palalo at mayamang hihigang asana ay nakalatag pa at kuyamos ang isang manipis na kumot bilang pambawas ng init na dadanasin kungdi sasapnan noon, ang isang makapal na colchon na kulay sikulate at nasasabugan ng madidilat na bulaklak; ang mga unan ay naghambalang sa hihigan at isang hapag na mabilog ang kinapapatungang walang ayos ng bihisang kaipala'ginamit ng gabing yumaon. noo'umaga at boong sipag na nagmadali ng pagsikat ang araw, tanda ng mabuting panahon. ano ang ibig mo gorio? ang tanong ni maneng sa kaniyang utusan. iniabot po sa akin ni mang selmo ang liham na ito at pagkaramdam ko raw pong kayo'gising na, ay ibigay ko sa inyo agad. dalhin mo rito. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | si gorio ay yumaon pagkabigay ng sulat, tandang siya'di maaaring makapaglaon doon sangayon sa kaugalian. agad pinilas ang sobre. gayari ang kaniyang nabasa: maneng sa marilao tayo manananghali. nauna na kami ni yoyong. si nati at si mameng ay kasama ng nanay. malaong di nakaimik si maneng, na parang sinambilat ng isang karamdamang nakalilito ng diwa, niyang karamdamang sumisikdo sa ating puso kung ang kaba ay nagbabalita sa atin ng isang pangyayaring parang nakikinikinita. tiniklop ang sulat at isiningit sa isang aklat na nasa ibabaw ng hapag, binatak ang kahon noon at hinalungkat sa isang imbakan ng mga larawan, ang larawan ni nati. malaon sa gayon anyo na parang binabakas sa larawan ang dilag ng kapatid ni selmo, nang sa di kawasa ay parang ginising siya ng isang bagong munakala. minalas ang larawan, at binitiwan pagkatapos sa ibabaw ng aklat, na pinagipitan ng tinanggap na kalatas. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | naghilamos, nagbihis ng isang mambisang abuhin, pinigta ng pabango ang kaniyang barong pangloob, at isinukbit ang isang munting revolver na may puluhang nakar sa isang makisig na suksukan ng kaniyang pamigkis na katad. nang siya'lumabas sa kaniyang silid ay magalang siyang sinalubong ni biyang at aniya: nakahain na po. sa hapag na kainan na nasasapnan ng isang maputing mantel ay naka ayos ang isang mayamang almusal. ang usok ng sikulate na may taglay na bangong nagaanyayang ako'higupin mo ay namumukod sa sinag ng araw na nagtatagusan sa iba'ibang kulay na salamin ng kakanan, ano pa'animo'bahaghari na umaalon sa ibabaw ng hapag. lumikmo si maneng at nagmamadaling hinigop ang sikulate ng wala sa loob at kaipala'nasa ibang dako ang kaniyang ala ala. napaso na ako at sinabayan ng tindig na parang humihigop ng hangin upang mapawi ang init na nakapaso. si biyang ay napatanga sa takot na makagalitan. nguni'hindi man lamang siya pinagsalitaan ni maneng ng ano man. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | inabot sa sabitan ang kaniyang kodak at matapos na isakbat sa balikat ay lumulan sa isang auto na malaon nang naghihintay sa tapat ng pintuan. at sa kaniyang hinagap ay nagsasalimbayan ang malulungkot na tanawin. para niyang nakikita ang isang babaing napakaganda, kawiliwili, nguni'kakampi ni kataksilan at pinaglagot lagot ang tanikala ng pag ibig na sa kanila'naka bibigkis. sa isang dako'lalaboy laboy ang isang sangol na hiwaga ng ganda, ulilang ganap mandin; ang isang inang walang kalolowa, at amang walang puso. oh kay lungkot! nguni'paanong babalikan ang isang babaing pagkalipas ng isang panahon ng sumpaan ay nagtaksil? paanong babalikang muli ang salangapang na babai na naglaro sa kaniyang karangalan, naglustay na walang pakundangan ng kaniyang salapi at nagkait sa kaniya ng matimyas na sandaling magiwi sa kaniyang tangi at unang unang sangol? ang ala alang baka ang anak na ito ay hindi niya sarili ay nagpapasakit sa kaniya ng gayon na lamang. kulang palad na sanggol! | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang kawawang si maneng na patungo sa ligaya, ay batbat ng sakit; ito ang unang tinik na tumimo sa puso ni maneng nang siya'biruin ng pag ibig. gulong gulo si aleng tayang sa paghahanda ng babaunin sa marilao. ang mga kahon ng alak, mga bayong ng cerbeza, mga lata ng pansahog sa ulam, tangkal ng kapong manok at banlat ng litsuning bagong walay ay nakahanay nang lahat sa tabi ng pintuan at handang ilulan sa sasakyang kaipala'di na malalaunan at darating. sa kabilang tabi nama'nakahanay na rin ang dalawang malalaking tampiping yantok; nababastang gapos na gapos, para bagang ang damit na natitiklop na kaniyang iniingatan ay ibig na magpumiglas at itanghal nang agad ang kanilang dingal, gayon din ang kanilang maiinam na tabas. ang mga biik ay nagiiyakang parang mga sinumpa at animo'kanilang nakikita ang bunton ng baga na sa kanila'pagiihawan sampu ng duruan na nakahanda nang ituhog. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang mga kapong manok ay nagtutukaan, samantalang parang tanod na sa kanila'nagbabantay ng boong talino ang matangkad na na nakaupo at nakalawit ang dilang humihingal at palingas lingas. sa itaas; sa loob ng silid ng maringal na bahay nina selmo ay ibang iba ang mapapansin. si nati ay nakabalabal ng isang manipis na kimonong kulay burok at sa gilid ng mangas at liig hangang laylayan ay namumukod ang parang listong kulay kapeng giniling. mga bakas ng mabibilog niyang dibdib ang di magapi ng pamigkis niyang sutla rin na nagpapaliit na lalo ng maliit niyang bayawang na bumubukod sa malamang balakang na nagbibigay kintab sa sutlang balabal kung sapyawan at paglaruan ng simoy ng umaga na naglalagusan sa bintana. isang painitan ang kasalukuyang nagaalab at kinasasalangan ng dalawang sipit na bakal na pangkulot ng buhok. sangayon sa alab na walang liwanag ay mapagsisiyang ang gatong ay aguardiente na kaipala'yari sa alakang la copa ng masipag na industrial na si agapito zialcita. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | mag alis ka ng panyo mameng ang anyaya ni nati sa kaniyang pinsan na bihis na at nakalikmo sa isang dako ng silid. at parang utos na di matutulan ay ginampanan kaagad sanhing ikinabilad ng kaniyang mabilog na batok na animo'nagaanyayang. lumapit si mameng nang mainit init na ang mga sipit at kinulot ang maitim na buhok ni nati na noo'nakalugay. at sa ilang salang ay napaalon ang dating parang sutlang buhok upang mabigyan ng isang anyong lalong kahangahanga ang talaghay ni nati. kay ganda ni nati nang mga sandaling yaon! pinusdan ni mameng ang kaniyang pinsan ng isang pusod na napakainam, na maituturing na bagong likha, pagka'ang gayon ay di pa nakikita sa alin mang ulong babai. animo'isang magandang putong na sutlang itim na sinuksukan ng mga mariringal na pantoches at suklay na nahihiyasan ng batong nagkikinangan. si nati ay isang hiwagang ganda na malilikha lamang ng mga pangaraping diwa. animo'isang tala na nahulog buhat sa langit. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang kaniyang mga matang animo'dalawang duhat sa iitim ay binabalungan ng walang tilang pangako at yinuyunyungan ng malalagong kilay na tinitingala ng malalantik na pilikmata. sa kaniyang mga pisngi ay nanganganinag ang salisalimuot na ugat na iba ibang kulay sa magkabilang dako ng isang mahayap na ilong na binabagayan ng isang maliit na bibig na laging kinababakasan ng isang masayang ngiti. ang kulay ng kaniyang mga labi ay pinananaghilian ng saga na lalong nagpapaputi sa maayos na hanay ng maliliit na ngipin na manakanaka'dumudungaw kung siya'magsalita. sa kaniyang baba ay may isang maliit na puyo na tinutungkuan ng dalawang puyo rin ng kaniyang mga pisngi kung siya'tumawa. sa salaming nasa ibabaw ng hapag na kaniyang suklayan ay nasisiyahan siya sa magandang anyo na ipinakikita ng kaniyang larawan. ikaw naman mameng ang aking susuklayan ani nati na punong puno ng galak. at si mameng ay lumikmo sa dating kinauupuan ni nati. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | si nati ay lalong bihasa kay sa kay mameng sa gawaing ito, at kung di lamang sila ay may mabuting kabuhayan, ay kay inam nilang maging peinadora ng isang bantog na fotografia ng kay mariano gomez halimbawa. walang salang di pinagdayo disin. pinunggos ni nati sa kaniyang mahahabang daliri ang buhok ni mameng na kulay balat ng kastanyas, binahagi sa dalawa, na ibinukod ang dakong ibabaw sa dakong ilalim at saka ipinulupot ito sa isang bahagi, samantalang sinusuksukan ng maliliit na ipit na animo'buhok din na di matamaang malas. buhat sa gitna ay isinampay sa ibabaw pagkatapos malulon na parang sutlang namamadeha at isinipit ng mga ipit ding di nakikita, tinuhog sa magkabila pagkatapos ng dalawang pantoches na aniyong kukong kabayo na pawang perlas na mabibilog at sinalo sa dakong likuran ng isang suklay na media luna na nahihiyasan din ng dalawang hanay na batong lungtian. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at nang yari na ay saka sinuro ang paligid ng pangulot hanggang sa boong kasiyahang nayari ang isang mainam na bukle . pagkatapos ng mahirap at matagal na pagsusuklayan ng magpinsan ay isinakbat ni mameng ang kaniyang alampay at hinawakan ang isang munting payong na kabagay at kakulay ng saya, baro at panyo na payak na bughaw. hinubad naman ni nati ang kaniyang balabal na kimono at sa isang iglap ay isinuot ang baro at panyo na nakahanda na. sa di kawasa'nakaringig sila ng isang angil ng auto kasabay ng tahol ng aso na nasa silong ng bahay. tumigil ang auto sa tapat ng bahay ni selmo at maliksing lumunsad si maneng. si aleng tayang ay nagmamadaling tumawag sa silid ni nati: ano ba kayo riyan? hindi pa ba kayo nakatatapos? tapos na inay. sandali na lamang ang tugon ni nati na papihitpihit na kasalukuyan sa tapat ng isang malaking salamin. nariyan na siya ang bulong ni mameng kasabay ng isang maliit na kurot kay nati. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang siya na binigkas ni mameng na parang bugtong ay nangangahulugan ng maraming bagay. si nati ay namula at hindi man lamang tumugon sa aglahi ng pinsan; wari may iniisip na mahalagang bagay na nakagugulo ng pagiisip; ang kaniyang puso ay sumasal ng sikdo hindi niya maturol kung sa galak sa isang hindi mahulaang bagay na mangyayari. si maneng sa kabilang dako ay lalo manding mabikas. ang kaniyang mga kilos ay pawang kahilihili. ang lungkot na wari'sumalubong sa kaniya pagkagising na, nang umagang yaon, ay naging parang ulap na itinaboy ng hangin. sinalubong siya ni aleng tayang ng boong lugod at si maneng nama'magalang na bumati. umupo ka maneng. sinabi na marahil sa iyo ni selmo na sila'nauna na. opo, aleng tayang; nguni'nagmamadali akong naparine upang ihandog sa inyo ang aking bwick . katakot takot na kagambalaan iyan maneng. talagang mauuna na sana kami. nakita mo na marahil na nakahanda nang lahat. dinamdam ko po sana ng gayon na lamang kungdi ko kayo inabot. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ko patatawaring kasalanan ang hindi dagliang ihandog sa inyo ang aking bwick. si selmo naman, hindi na ako hinintay ang bale. pinauna ko na si selmo at si yoyong upang makapagayos sila agad at datnan na natin nakahanda ang lahat ng walang kabalaman. ang malas ni maneng ay pasulyap sulyap sa silid na kinaroroonan nina nati at wari bagang nananabik na makita ang hiwagang ganda na hantungan ng kaniyang mga pangarap. nahulaan mandin ni aleng tayang ang nasa ni maneng at nang mapalugdan ang inaasam niyang mamanugangin, ay tinawag pagdaka si nati. ang pintuan ng silid ay nabuksan at ang magpinsan ay sabay na lumabas gaya ng mga artista sa isang tanghalan kung sabik na sabik na ang mga nanunuod. tumindig kaagad si maneng at sinalubong ang dalawang kagandahan dumarating. iniabot ang kamay kay mameng muna baga mang ang mga mata ay nasa talaghay ni nati. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | iniabot pagkatapos dito ang kamay at ang kanilang mga mata'nagusap ng lihim bagamang ang kanilang mga labi ay bumigkas ng bating panglahat. kay gaganda ninyo ngayon. mapalad ang mga matang sa inyo'makakita. naman si maneng ani nati. napakabulaan! ang salo ni mameng. at ang magpinsan ay nagtinginan. ang bwick daw ani aleng tayang ang sanhi ng ipinarito ni maneng. at nais ko rin po namang sa inyo ay makipagkita. talagang kay buti nitong si maneng ani mameng. buti na ba iyan?. siya ko lamang kayang ihandog kaya'malakihin na ninyo. tugtugin mo nga mameng yaong tugtuging sinasanay mo kahapon, samantalang ako'naghahanda ani aling tayang. at sinabayan ng tindig. sandali lamang maneng ang habol at nagpatuloy nang paglabas. si mameng ay lumapit sa piano, pinihit na sinukat ang taas ng likmuan samantalang ilinapit lapit naman ni maneng ang kaniyang likmuan sa kay nati. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang mga daliri ni mameng ay naghabulan sa mga tecla ng piano at ginising doon na nagsikip sa boong bahay ang isang marikit na tugtugin ni lohengrin. ang kamay ni nati na nakapatong sa kamay ng likmuan ay hinawakan ni maneng at ang init noon ay parang lumaganap sa kaniyang boong katawan. kay ligaya ko nati!. bakit maneng? may nababago bang bagay?. sa pagka'ako'nasa piling mo. maniwala ka; sa piling mo'hindi ko maala ala ang kamatayan, ang luha ay isang bugtong na hindi ko makakabati sa piling mo nati. kay palad ko kung loobin ni bathalang. ang piano ay patuloy na parang sumasaliw sa dalawang inaalo ni kupido. kung ang mga sumpa mo ay tunay maneng ay makaaasa akong ang langit ay dadanasin natin sa buhay na ito. may alinlangan ka ba nati? di ka ba naniniwala?. alinlangan ay wala. turan mo nati. isang piping bulong ang sa aki'hindi magpatahimik. maaari bang malaman? doon na natin pagusapan maneng. ang tugtugin ay natapos at si aling tayang ay muling nasok. nati, mameng. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi pa ba tayo lalakad ay mainit na ang araw? at ang apat na kilala natin ay nagsilulan sa auto na naghihintay sa tapat ng bahay. sa pook ng mga mangingisda sa dakong ibaba pa ng bangkusay, sa isang bahay na namumukod na sadyang ipinatayo ni maneng upang maging pugad nila ni orang ay ibang iba ang kasalukuyang namamayani. mahigit na isang taon na doo'nagsikip ang ligaya sa pagsusuyuan. di miminsang si maneng ay inantabayanan nina gorio at biyang, nguni'hanggang umaga'di dumating ng bahay; pagka'kay orang natulog, doon tumunga at nagpakalasing sa mga alo ng kabataan. si orang ay isang magandang bulaklak sa halamanan ng mga kulang palad. ang kaniyang ama ay isang mangingisdang manlalasing; ang kaniyang ina ay kakambal mandin ng apat na hari nang ipanganak kaya si orang ay sa mga bahay pangingihan lumaki. ang kanyang kabataan ay namulat sa kanilang inuman na parang isang baklad, sa mga mangingisda, na siyang karaniwang namamayan sa mga pook na yaon. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang takalan ng anisado, ng ginebra at sinunog, ang pag gawa ng mga pulutan, ang panghalina sa mga mamimili na mga bandibandilaang papel na iba'ibang kulay na itinutusok sa mga suhang sungsong kung magpapasko, ay mga kasangkapan at gawaing hindi na niya ipinagtatanong. nang siya'tumatahak na sa pagdadalaga ay binigyan niya ng ibang anyo ang kaniyang tindahan. ayaw na siya ng mga manlalasing lamang ang kaniyang suki. nagbukas siya ng isang fonda tindahang ibang iba ang kahulugan ng pangalang hiniram sa mga kastila kay sa tunay na kahulugang ibinigay ng kaugalian. yao'isang tindahang munti ng talaghay ng may tinda, may isa ring munting hapag na kinahahanayan ng ilang pingang naguumapaw sa sari saring bungang kahoy, mga dalandan, dalanhita, siko, suba; mga bandeha ng sarisaring matamis, mga inumin gaya ng limonada, soda at iba pa, mga kakaning iba'ibang lasa na likha ng mga anak dukha lamang; at hindi kabati ng mga inalo sa duyan ng ligaya. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hapon pa'parang nahahalina ang mga binatang hindi litaw sa bayan; mga anak ng pag gawa, mga kampon ng bisig at mangilan ngilang aralan na nagaaksaya ng kanilang panahon. mga bigkis ng tubo ang kanilang pinagaaliwan. may nagbibiyakan, may nagsusukatan, may nagtutuksuhan, may nagtutuktukan ng itlog, may naghuhulaan ng liha ng dalanhita, ng buto ng siko at iba'iba pang libangang pinaguubusan nila ng sandali hanggang lumalim ang gabi. hindi rin naman kakaunti ang nagmimiron at lumiligaw ng ligaw mata sa magandang kay orang. ang pangalang orang ay sumapit sa pangdingig ni maneng; noon ay kasalukuyang nababantog. at si maneng ay natukso. nahalinang kilalanin ang magandang fondista . at isang hapon ay di na nabuksan ang tindahan ni orang. isang magandang bahay na ipit ang nahalile at isang auto ang tuwina'nakatigil sa tapat ng bahay: ang auto ni maneng. buhat noon ay lalo nang palaging lango ang ama ni orang. natuto ng magmonte ang kaniyang ina at ang upo sa pangingihan ay lalong nagulol. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi na umuupo sa poso poso kungdi sa peseta at piso buhat noon. nguni'ito'hindi naglaon at isang pakanang likha ng masamang nasa ang nagtanim ng panibugho sa puso ni maneng. ito'si yoyong, si yoyong na lumalangit kay orang nguni'di naman tinutumbasan. at isang araw nang hindi na yata niya matiis ang pagtatamasa sa galak ni maneng at ni orang, noon ay isinagawa ang kaniyang balak. sinulatan si orang ng matatalinghagang liham na tumutukoy ng iba'ibang panahon na parang tugon sa mga sulat ng birhen ni maneng. mga sulat na sa kahangalan ni orang ay iningatan at hindi ipinagtapat kay maneng, palibhasa'di niya tarok ang mga pangungusap na may dalawang kahulugan ni kung yao'dapat na matalastas ng kaniyang giliw. at ang mga sulat na ito'natuklas ni maneng nang si orang ay nagdaramdam at manganganak ng isang sanggol na bunga ng kanilang pag iibigan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang panibugho ay nagtagusan sa puso ni maneng agad agad at pagkabasa ng mga sulat ni yoyong ay hinatulan pagdakang taksil si orang at di man lamang diningig ang kulang palad na binagsakan ng poot. dito siya nangaling nang gabing nagdaan at dito na nagsimula ang mali niyang pagsumpa sa lipi ni eva. nguni'si orang ay walang kamalay malay sa mga ipinararatang sa kaniya, at nasa banig palibhasa ay nanatili sa paghihintay na magkausap silang muli ni maneng. samantalang ang kulang palad na si orang sa sandaling pagiging ina niya sa anak ni maneng ay binagsakan ng poot noon nang walang kadahilanan at kasalukuyang linulunod ng luha at iniinis ng dalamhati; ang ina niyang walang kalulwa ay galit at nagtutungayaw sa pagka'walang pupuhunanin. buisit na lalaki iyan anya walang araw na di mo makikitang lasing na lasing. manong pagpasiensiahan na ninyo ang himaling ng tatay. wala na siyang aliwan kungdi yaon. kung ganitong wala akong mapuhunan ay hindi ko maala ala ang magpasiencia. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ilinura ang sapa at ang habol. wala ka bang kualta diyan orang? wala akong mapupuhunan. may apat na piso pa rine nanay, nguni'wala na tayong ipamimile kung inyo pang pupuhunanin. (si orang ay nagsinungaling at di ipinagtapat na siya ay may natitipon.) bigyan mo ako kahit na dadalawang piso at kahiyahiya sa sumusundo sa akin; meron pa naman kaming concierto ngayon. mano nanay na huwag ka ng maglaro ngayon at alagaan mo na lamang itong inyong apo. oh tingnan mo nga'kay ganda ganda. tingnan mo nanay ang ilong at kay tangos tangos, walang pinagibhan sa ilong ni maneng. at siniil ng halik ang sanggol. nang mga sandaling yaon ay nasok ang matandang lalaki na hinog na hinog sa alak at parang baliw na nagsabi: ang ibig ko bang sabihin kung mayroon ay nagpapasasa at kung wala ay tumunganga. kung anoanong kaululan ang pinagsasabi nitong lasengong ito ang yamot na pakli ni aleng ninay. ibig sabihin ay malinaw ang isip. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | si simon ay parang parol na maraming langis; sa makatwid ang ibig kong sabihin ay maliwanag. maliwanag ang isip. tumahimik ka na nga'ako'hindi nakikialam sa iyo. baka paliwanagin pa kita. eh kung ayaw ka bang makialam sa akin. ang ibig kong sabihin eh. kerami mo namang ibig sabihin. kung natutulog ka ba'di mabuti. matulog; mabuti nga; nguni'ang ibig kong sabihin ay maghintay ka ng ulan kung wala ng tubig at sinabayan ng alis. ang ibig kong sabihin ay siyang palamuti ni tandang simon sa kaniyang pangungusap. ang dalawang pisong hinihingi ni aling ninay ay ibinigay ni orang at parang itinaboy ang babaing alipin ng apat na kaharian na di man napigil ng ligayang handog ng magandang apo. at si orang sa gitna ng mapait na pamamanglaw at pagmamalas sa sanggol ay tila nawawalan ng diwa at walang tigil ang pagdaloy ng mga unang luha ng puso. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kahog na kahog si selmo sa pangangasiwa ng pagyayaman ng tahanang pagpaparanan ng ilang araw na liwaliw ng kapatid niyang si nati at ng binubuko niyang maging kapalad na pinsang si mameng. ang larawan ni mameng na siyang laman ng boo niyang diwa, yaong musmos pa'naging kalarolaro niya ng takip silim ng sungka, at sintak, ngayo'parang isang dakilang tanglaw na bumabalisa at nagpapasigla sa masusi niyang karamdaman. ang grupo ng magpinsang dalaga ay iniayos niya sa ibabaw ng isang mainam na consola at sa tapat noo'ginayakan niya ng isang maringal na kalangi ang isang malaking harong bombay na boong ingat niyang pinagyaman. si yoyong sa kabilang dako ay parang isang tunay na bihasa; iniayos sa magkabilang dulo ng galeria ang dalawang munting hapag at linigid ng tatlong taburete, para bagang sa kaniyang nasa ay dumudungaw na ang tunay na dapat pairalin sa mga lipuna'ang tatluhang umpok at di ang dalawa na siyang pinagbagay ng kalikasan at salinsaling panahon at paguugali. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at sa loob loob niya ay nakatutupad siya sa isang kautusan ng moral na bagamang hindi pa naisusulat nino mang moralista ay dapat isagawa sa ating kapisanan na lubhang nagpapakasagwa sa pagsasarilinan at pagkakalayaan tuwi nang ang dalawa katao'magkaharap. ang sumagabal, ay isang mabuting gawa at isang bagong kabanalang kanyang itinuturing upang maingatan ang bini ng ating mga dalaga sa katampalasanan ng ating mga mapagsamantalang binata sa kasalukuyan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang tahanang napili nina selmo sa marilaw ay natitirik sa gitna ng isang maaliwalas na halamanan sa dakong likuran ng balneario naliligid ng ilang ilang na nagdudulot ng samyo ng kaniyang malalabay na sanga na hitik na hitik ng mababangong bulaklak, sa dako roon ay mga puno ng atis at manga na naghahandog ng malaking lilim lalo na sa katanghalian: sa dakong hilaga ay sagingan na animo'gubat na mainam paglibliban ng lalong mahiwagang lihim ng pagibig; at sa pagpasok na ng tarangkahan ay iba'ibang kiyas na san francisco at begonia, na sa kanilang masasayang kulay ng dahon ay wari bagang talagang sumupling upang maging palamuti at makaakit sa lalong pihikang panauhin; ano pa'ang pook na yaon ay bagay na bagay pagaksayahan ng panahon ng mga liping iniwi sa kasaganaan. nang maiayos na ni selmo at ni yoyong ang tahanan ay nasisiyahan kapuwa na kanilang pinanood buhat sa lupa at hanggang sa lalong tagong sulok kung sila'may nakaligtaang di napagyaman. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | tila wala na tayong naligtaan ani selmo sa kanyang pinsan. wala na marahil? sampu ng mga gagamba na nangagbabahay sa mga sulok ng bintana ay nabulabog na nating lahat. ang akala ko'wala ng ibang kailangan kungdi ang magsidating na sina nati. maaga pa naman yoyong. tila lalong maigi ay iakiyat natin ang dalawang pilon ng malvarosa sa dalawang dako ng galeria . mainam nga at makapagdudulot pa ng masamyong halimuyak. at ipinatuloy ng dalawa ang mga huling pagaayos. samantalang ito'nangyayari ay sadaraan ang isang karretelang patungo sa maynila na kinalululanan nina binay. ito'isang magandang bulaklak ng bukawe, barrio ng. na patungo sa meykawayan upang dumalaw sa kanyang ama na may isang tindahan doon. siya'mulat sa paaralang bayan na likha ng bill gabaldon. sa kanyang madilaw na kasuotan ay nayaya ang malas ni yoyong na di napigil ang sabing: hoy, selmo. tingnan mo ang babaing yaon: kay ganda! at ang dalawa ay napatigil na ihinatid ng malas si binay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kasakay ng dalaga ang isang magulang nang babai at ayon sa kanilang anyo at kiyas ay angkan ng pag gawa; nguni'kabilang diyan sa mga taong marunong makibagay sa panahon, sangayon sa kaayusan ng kanilang bihis, kahit na pawang babarahin lamang at murang kayo at tapis na baliwag ang taglay na kasuotan ay bagay na bagay naman at pawang malinis. isang sayang may madidilat na guhit na dilaw at cafe na halang halang; barong madalang na dilawan din at may guhit na magkaagapay ang laylayan ng mangas, panyong malambot na sutlang baliwag na nakasampay sa balikat, ang kabuoan ay animo'isang kulliawang masaya, sa loob ng isang hamak na tangkal: ito ang bihis ng dalaga. kay inam ng bihis ni binay gayong kamumurang damit ay bagay sa kanyang siksik at bilugang katawan, balat na kayumangi at kulot na buhok. mga tagong bulaklak ng ating mga lalawigan. mga larawang nalalabi ng dalagang tagalog; mga buhay na sagisag ng kakanyahan ng ating lahi na ilinigaw ng bagong panahon. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nawalay sila sa malas nina selmo nang lumiko ang karretela na kinalululanan. at ang dalawang magpinsan ay nagpatuloy pa din ng kanilang pag aayos. napakainam na tanawin ang idinudulot ng umagang yaon. ang mga taga bukid na nagluluas ng gulay na galing sa dakong kalookan, maypajo at gagalangin ay masisipag at boong tulin na ihinahabol ng panahon ang kanilang munting lako. bawa'isa sa kanila'kakikitaan ng ilang patola, pumpong ng sitaw, mumunting tangkal ng ibon, atis, at dalawa tatlong sisiw na bagong walay; puspos karangalan nilang tinutuklas ang pangagdog buhay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | mayroon din naman sa kanilang nalahiran na ng pagdadaya ng malalaking tikma gaya halimbawa ng ginagawa ng ilan na namimili ng mga itlog ng manok na buhat sa sunsong na di kalugdan ng mga tagarito sa pagka'lubhang malansa, iniuuwi nila sa bukid upang buhat doon ay muli nilang iluwas sa maynila ng boong pagyayaman at ipagbile na gaya ng tunay na itlog ng manok bukid na lubhang pinaghahanap at inaabangan kung umaga ng mga may kayang kabuhayan. ang daya mandin ay talagang talamak na rine sa atin at sampu ng mga tagabukid ay nahahawa na. sino kaya ang may dala dine ng pagdaraya? ang mga insik nga kaya? hindi rin naman nagpapahuli ang maggagatas at magpapatis na may kanikaniyang talino sa pagbibile ng kanilang lako. ang maggagatas at magaalak ay magsingtulad sa dunong. ang maggagatas ay may tindang binyagan at hindi. ang binyagang gatas ay kasama na pati inumin ng mamimile. ang tubig ay nagagawa rin namang gatas! ang magaalak ay gayon din. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang magpapatis sa kabilang dako ay may dalang tatlo apat na sididlan ng patis na tangi pa sa isang galunggalungan na siyang pinakaimbakan; at kung dumating sila ng bayan at ang ninili ay nangangailangan ng patis malulos, malabon kabite kaya, ay maaasahan mo giliw na mambabasa na ang patis na gawa kahit na saang kamalig ng kapit bahay mo, ay magiging galing sa malulos, sa malabon sa kabite, salamat sa pagkabukodbukod ng sisidlan. ang hugos na parang agos ng mga anak ni pag gawa na tungo sa mga iba'ibang tikma gamlayan ay parang isang pelikula ng revista pathe na kung umaga ay masasala ng iyong paningin, ang mga trambia ay punuan at animo'talaksanan ng kahoy; kay dami ng nangagsabit na animo'panike, salamat at ang ating hunta munisipal ay nagising din at naglagda ng isang kautusan sa bagay na ito. matanda at bata, lalaki at babai ay maagang dumalo sa kanilang tuklasan ng buhay nang araw na yaon. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang mga karro ng tinapay ay humihinto sa bawa'tindahan at nagrarasion ng tinapay; ang mga karihan, bibingkahan at mga tindahan ng suman at sampurado ay pawang puno ng mga suki; gayon din ang mga magpuputo bungbong ay di makaagad ng pagluluto: badha ng sipag. subali'ang lahat ng mga tanawing ito ay di na inabutan nina maneng at tangi sa mangisangisang magbabakiya na buhat sa pulo at meykawayan at ilang mga dalagindeng ng panghulong ubando na nagtatawag ng: kalamay kayo sa latik diyan, ampaw, suman, atsara'puloot. na parang nagaawit ay wala nang iba pang makikita sa pagka'mataas na ang araw. ang matandang monumento ng mga kastila sa kanal de la reina sa pagakiyat ng tulay ng pretil ay gaya ng lahat ng lipas na bagay ay linulumot at parang isang tuod na nakatayo nang walang saysay. katapat pa naman ng libingan ng tundo na nakalapat din ang pintuan at aayaw ng tumanggap ng panauhin; bangkay ma'hindi na dumadalaw doon. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | naggugubat ang makapal na damo at mga kalasutse na naglalaganap ng isang samyo na nakaliliyo. ang monumentong yon marahil na labi ng yumaong panahon ng kastila ay itinayo doon upang magbantay sa mga kaloluwang nagmumulto at nagsisipanakot sa mga paniwalain. ang lipas na ring kamalig ng dating tren sa malabon na katungko ng libingan at ng monumento ay parang isang kasangkapang luma at puno ng kalawang. ang mahabang lansangan ng gagalangin na ngayo'juan luna ay tahimik na tahimik patag na patag at matangi sa nagpapapangit na mga sasabunging nangatutulos sa mga looban at sa mga pulupulutong na nagkakahig at nagbibitaw upang subukin ang kanilang mga tinali ay pawang kawiliwili ang handog na tanawin kung umaga. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | malalagong punong kahoy na nagbibigay lilim; mga sampalok at kamatsile na nagdidilim sa tataba; kawayanan sa dakong likuran ng mga bahay; mga mumunting kubo na halos dikit dikit habang nalalayo sa maynila ang nagtitimpalak ng karukhaan; para bagang ang kahirapan at pagsasalat ay di makalipat, natatakot at lumalayo sa kamaynilaan na siyang pinakamaringal sa boong kapuluan at umaapaw sa kasaganaan, salamat sa matalinong ng alkalde. nadaanan nila ang malalaking sabungan sa maypajo. yaong kalipunan kung linggo at pista ng ating mga tahur at magsasabong: punong puno ng panglaw at maliban sa maminsanminsang hunihan ng tuko at ng tilaok ng mga sasabungin ay walang ibang katangian. yaon ang malalaking baklad na pinapasukan ng boong tinipid ng ating mga manggagawa sa boong sanglingo. di iilang maganak ang pinatatangis kung natatapos ang sabong sa mga kamalig na yaon. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | libolibong mga mananabong ang pangagaling doon ay pigta ng pawis, malalim ang mata, at ang bulsa'baligtad; di kakaunti sa kanila ang di pa nanananghali. mga manok na pinakaalaga alagaang taunan ay duguan at nahinainan nang bitbit sa dalawang paa at parang idinayo lamang doon upang patain at ng magawang pakang. ang simbahan ng kalookan na napinsala ng mga digmaang yumaon, ay kababakasan pa ng mga tanda ng mga punglo ng kanyon na nagbuhat sa mga kastila na rin noong una at pagkatapos ay sa mga americano na pinamamahalaang kasalukuyan noon ng imperialismo. nadaanan nila ang sangang daan at kaaya ayang palayan magkabila na parang isang malapad na balabal na lungtian na doo'ilinatag ay nagsimula na. ang sikap ng mga tagabukid na pangbuhay sa mga taga bayan. kay inam na tanawin. ang mga maya ay nalalabugaw sa hagibis ng bwick at parang inaalon ang palayan at ang alikabok ay animo'usok na nagdidilim. ang tahulan ng aso na humahabol pa kung minsan ay namamayani. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sinapit nila ang hanganan ng rizal pagkatapus na masampa nila ang tulay na matarik ng tinajeros at sandali pa'lupang bulakan na ang kanilang tinatahak. saloob na saloob ni maneng ang pagkakahawak ng manivela at ni hindi man lamang lumilingon kungdi manakanaka kung ang kurutan at tawanan ng magpinsan na parang kinikiliti na nakayayamot kay aling tayang, ay nakaaakit sa kaniya na tapunan ng sulyap na pinatatagos sa nandidilat niyang salamin. dumating sila sa meykawayan at ang monumento ni rizal na unang napansin ay inukulan ni nati ng tuligsa: tingnan mo, aniya kay mameng ang monumento ni rizal na yaon, tila isang kimpal na luad lamang. bakit ba naman pinintahan ng kulay putik. tinapunan ng titig ni mameng ang tinukoy ni nati at ang tugon: napakawalang sining ang komite na namamahala niyaon. napagkilalang malayo sa simbahan. wala kayang kabinataan sa bayang ito? malayo pa ba sa simbahan yaong halos katapat, ang salo ni aleng tayang. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | malayo po sa maynila ang ibig kong sabihin at nangagtawanan parang kiniliti. paano'kinurot na naman ni nati. napalingon si maneng at pinagmasdan ang monumento na palayo na sa kanila at di napansin ang isang karretela na kinalululanan ng dalawang babai na pasalubong sa kanila sa makipot na lansangan bago umakyat ng tulay. pinisil ang bocina ni ikong (ang chouper) na nasa siping ni maneng at umangil na parang isang malaking halimaw. ang kabayo ng karretela ay nagulat at nagalma at nang abutin ng malas ni maneng ay malapit na mabanga; at di na maiiwasan. pinatigil niyang biglang bigla ang makina; hinigit ng ubos lakas ang freno na nagngalit at nailihis din ng kaunti nguni'ang bwick. ang tilian ng mga nangakakita. ang bwick ay nabanga. salamat at hindi naman nasapol ang karretela. ang mga baras noo'nangabali, at napatid ang rienda. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang nagpapalakad ay gumulong sa lupa; ang kabayo ay nagtatakbo ding di napigilan at dala ang kapiraso ng karretela at guarnicion at ang dalawang babai ay nagkadaganan na parang dalawang balutang ihinugos. lumundag pagdaka si maneng at ang chouper. sinaklolohan nila ang dalawang babai na sa kabutihang palad, likha niyang mga himalang hindi maliwanagan kung bakit, ay hindi man lamang nangagalusan; nguni'putlang putla, parang dalawang bangkay sa laki ng sindak. walang malamang gawin si maneng sa pagsaklolo. bumaba rin si nati at si mameng na nagsidalo, samantalang ang cochero na parang sanay sa mga gayong pagkahulog, ay nagtindig, pinagpag ang alikabok sa salawal at baro, at hinabol ang kabayo na nahuli na ng mga taong bayan. hindi nalaunan at nagbalik na tumitika at dinadampian ang gasgas ng tuhod at mukha na kapuwa may dugo. dinala ni maneng pagdaka sa botika ng meykawayan at doo'tinapalan ng unang gamot na kailangan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dinukot ang kaniyang kalupi at itinala ang pangalan noon at dalawang dadalawang poing piso ang isinakamay ng kochero kasabay ng gayaring sabi: ito'sa mga unang gugol mong kakailanganin samantalang ang karretela mo'sira. at sumulat ng mga ilang talata sa isang tarheta ng gayari: sa karroceria meykawayan: ayusin ang karretela ng may taglay nito sa loob ng lalong madaling panahon. ang gugol ay ipasingil sa akin. at iniabot sa kochero na walang kakibokibo na nasiyahan mandin sa kabutihang loob ng ginoong kaharap. hinarap ni maneng ang dalawang babaing inaaliw ni nati at ni mameng at pinagbigian ng boong kasiyahan ng loob na pagmamatwid. ihinandog ang kanyang auto upang ihatid sa paroroonan ang dalawang babai; nguni'tinangihan ng mga ito sa pagka'malapit na rin lamang ang kanilang paroroonan. binigian din ng kanyang tarheta ang mga babai na dili iba'ang nakadamit kuliyawan na napansin ni yoyong at ni selmo. kinalag ni nati ang isang alfiler na imperdible at iniabot din sa babai. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | samantalang ang auto ay sinisiyasat ni maneng. ang ala ala pong yari ani nati ay magiging tanda ng ating pagkikilala. tinangihan ito ng dalaga; nguni'sa matimyas na samo ni nati ay tinanggap din at pinasalamatan. kungdi balisa si maneng napansin marahil niya na ang lulan ng karretela ay isang babaing hindi karaniwan ang ganda at gayon din ng imperdible na iginawad ni nati na di iba'ang kanyang sanla na taglay ang kanyang pangalan. at sila'nagpatuloy na parang walang anomang nangyari hangang sila'dumating sa marilao; pagkatapos siyasatin ni maneng na muli pa ang auto ay nagsabi kay ikong: dalhin mo ang auto sa estrella auto palace at kumpunihin ang tapa lodo at lagyan ng bagong lente ang parol. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang balita ng pagkakabangaan ng bwick at karretela ay siya na lamang halos napagusapan ng maganak sa unang pagkakatipon at masasabi, na walang ibang mahalagang bagay na nangyari; nguni'ang pagkasira ng tapalodo ng bwick at ang pagkabasag ng parol ay naging dahilan ni maneng upang magpalumagak, bagay na napaayos naman sa nasa ni nati na sila'magkaniig. sa kabilang dako, si aleng tayang ay isang inang di maingat, dahil sa talagang tapat na sa kaniya, na manugangin si maneng; pangalawa'parang di siya napapansin nino man at natatakpan siya ng dingal ng anak niyang bukod sa bata ay talagang maganda, kaya'para niyang ibinubunsod sa pagaasawa. sa magdadalawang taon na pagkabao ni aleng tayang ay mapapansin nang makasalanang mata ng mga mapagmalas, na higit pa sa dalaga ang kanyang kilos, sa nasa marahil na magasawang muli; nguni'wala pang nalalabuan ng mata na sa kaniya'nagmamalas sa piling ng talaghay ni nati at ni mameng. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | si selmo na sa kalakhan ng pagibig kay mameng ay di makapagsalita at parang napipipi sa harap ng pinsang kasambahay, ay nasisiyahan na sa mga salitang pangmaramihan, makaharap lamang siya ni mameng, at ang damuho namang si yoyong sa nasang makasabagal ay di humihiwalay kay mameng, bunso niyang kapatid na kanyang kinakatluang palagi upang pagharian ng moral sangayon sa kanyang pagkakilala. sa pagka'sila'lilima nang hapong yaon na nasa halamanan ay hindi namayani ang magtatlo tatlo, at ang kakaniyahan ng tao na pagkamakaako ay nakatulong kay yoyong na si maneng at si nati ay magkaniig upang si orang, ang magandang fondista ay malimutan ni maneng. sa silong ng isang matabang punong manga ay nagkaniig; nagkasarilinan si nati at si maneng at nang matiyak ng binata na silang dalawa'nawawalay sa malas ng tatlong magpinsan na di magkatapos sa balita ng bangaan ng auto at karretela, ay nagnakaw si maneng ng isang halik sa nakatungong si nati. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | bakit ba naman ganiyan ang malamyos na tumbas ni nati nakayayamot ka naman. sa ako'bulag na nati, sa ang kapangyarihan ni kupido ay siya na lamang nagpapagalaw sa akin, patawarin mo ako. pasasaan ba yaon maneng kung yao'mangyayari nguni'biglaw, hindi maaring mahinog kailan man. sa iyo at sa akin ay may malaking hadlang. at bakit nati? sino ang makapipigil? alin ang itinuturing mong hadlang? at di mo ba nalalaman? ibig mo bang sa akin pang bibig mangaling? pinapamamahay mo ako sa alinlangan. ang alin daw, kay inam mong mandudula, kay inam mong magmaang maangan hindi ka nga mahuhuli; nguni'sa harap ng katotohanan. sa harap ng katotohanang ano? liwanagan mo nga. kung ako'nagkamali nati ay talastasin mong marunong akong umamin ng kasalanan. ang pagsisinungaling ay kaaway ng aking ugali at makaaasa ka, paniwalaan mo nang walang agam agam na aaminin ko sa harap mo, kung aking kasalanan at tatanggapin ko ang iyong minamarapat na parusa, kahit na ikamatay ko ang katotohanan nang sinasabi. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sinabi ito ni maneng ng boong liwanag na parang totoong totoo nga, at nang nagaalinlangan pa si nati, pagka'di umiimik, ay dinukot ang makisig na revolver at aniya: naririni nati, masdan mo. sa loob niya'mayroong limang magkakapatid na kambal. isa lamang sa kanila, ay labis upang matapos sa akin ang lahat. hawakan mo nga at gamitin kung inaakala mong kailangan. at iniaabot kay nati ang revolver. itago mo maneng, itago mo'ako'natatakot sa kasangkapang iyan. kung gayo'ipagtapat mo kung ano pa ang nakapipigil sa iyo sa anyaya kong tungain natin ang pulot at gata ng pagsusuyuan? yayamang nais mo maneng ay manainga ka: talastas mo marahil na ang ninanasa mo ay siya kong tanging karangalan sa buhay na ito at talagang talastas ng diyos, na sa iyo ko itinataan; subali'maari ka bang makapamangkang sabay sa dalawang ilog? ano ang ibig mong sabihin? ang pakli ni maneng. kaawaawa naman ako maneng, at papaano naman kaawaawa ka!. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | papaano siya ang ulit ni maneng kaawaawa ka sa pagka'hindi ako karapatdapat sa iyo marahil; sa pagka'may lalong mapalad na ibang linikha kay sa akin nati; nguni'sinong siya ang iyong tinutukoy? tumungo ang dalaga at ang daliri niya'iginuhit ang isang sa lupa. ano ang kahulugan niyan maneng? kung ganyang nagiisa ay nangangahulugang balon na pagbubuliran mo sa aking puso at pagibig na magkasamang diya'malulunod. nangangahulugan din naman ng gayari at itinundo ang kaniyang revolver sa piling ng malaking at ang kanyon ng revolver ay gumawa ng isang din nguni'maliit nga lamang. at ang patuloy: kung ang dalawang iyan ay magkahiwalay, ay kilabot ng kamatayan ang balita, nguni'kung magkasunod at sa mga labi mo mangagaling upang pikit matang tangapin ang aking luhog, yayamang si kupido, ang diyos ng pag ibig ay bulag din at di nakakikita, ay isang ligayang di maisasaysay, isang langit na walang kasing ligaya, isang kaganapan ng ating pangarap. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nguni'maneng, kung ang ong iyan ay simula ng pangalan ng isang babaing umiibig at iniibig naman? umiibig at iniibig naman! ang ulit ni maneng na nag iisip ng imamatwid. oo; umiibig at iniibig ang patibay ni nati na waring nagtagumpay bagamang sa puso ay naghahari ang pangingimbulo. eh kung mapabulaanan ko ang paratang mo nati? maaasahan mong ningas ma'susugbahan ka kahit na ipaging abo ng boo kong katawan; nguni'sa kasawian ko ay hindi paratang yaon maneng. saan ka galing at hindi kita namataan maghapon, at magdamag halos ay hindi ka natagpuan ni selmo sa iyong tahanan? saan ka naparoroon? nalito ang isip ni maneng. hindi malaman ang isasagot. nasaling ang sugat ng kanyang puso. bakit hindi ka tumugon?. paano si orang? ang bulalas ni nati. tinutop ni maneng ang labi ni nati at anya: huwag mong dungisan ang mga labi mo ng pangalan ng isang hamak. huwag mong ulitin nati at babagsak sa akin ang langit. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at yayamang nasalang mo na rin ang pinakamaantak na sugat niyaring puso ay pahintulutan mo ako na minsan pa'patunayan sa iyo na ang pagsisinungaling ay di ko kabati. at pagkapukol ni maneng ng malas sa boong paligid at napagsiyang hindi sila binabantayan nino man, ay sinimulan ang malungkot niyang pagtatapat. ang pook ng bakuran ay tahimik; ang hangin ay palaypalay na naglalampasan at pasasang humahalik sa kanilang mga noo; ang langit ay malinis at animo'isang bubong na bubog, kasalukuyang nangaguuwian ang mga ibon sa kanikanyang hapunan, at sa ulunan nila, ay palipat lipat sa sanga ng manga ang dalawang pipit na naghahabulan ng boong ligsi. nasa kolehio ka pa noon at ang kapisanan ay di pa nagkakapalad na sumilay sa iyong hiwagang ganda. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | bago magbakasiyon ang mga nagaaral ay binawian ng buhay ang pinagpipitaganan kong mahal mong ama, na sanhi ng unang pagtatama ng ating malas na ikaw ay dalaga na, nguni'ang mata mo'pigta sa luha ang puso mo'iniinis ng sakit, kaya'wala akong nasabi kungdi: ako po'nakikiramay . at ang kamay mo'iniabot mo sa akin na tandang napasasalamat, bagamang ang mga labi mo'di pinulasan ni isang salita man lamang. nakasaklit ang kamay ko sa baiwang ni selmo, na tapat at mahal ko sa tanang kababata at hinahandugan ko ng aliw. kay lupit na kaugalian na naguutos sa atin, na sa mga gayong sandali ay magliponlipon; para bagang ang pagdamay na yaon sa kadalamhatian ng mga naulila at pinapanawan ng lalong pinakamamahal sa buhay ay dapat panoorin saksihan man lamang nino mang kaibigan kakilala. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | maniwala ka nati ang patuloy na, nang mga sandaling yaon, kungdi lamang natatakot akong maparatangang isang masamang kaibigan at di tapat na kapwa bata, maniwala ka nati, na bawa'luhang nanalong sa mga mata mo, sa mga mata ni selmo at sa mga mata ng nangungulila mong ina ay umiinis sa aki'naguudyok mandin na lisan ko ang inyong malungkot na tahanan, at ako'yumaon na nga sana. kay panglaw na ala ala ng aking napupukaw! ang binibini ay tumungo at idinampi ang kanyang panyo sa mga mata upang salubungin ang mga luhang naguunahang dumungaw. talastas ko nati na ang bagay na ating pinaguusapan ay labas na labas sa ala alang itong napupukaw ko ngayon; nguni'dito ko sisimulan at nang magkaroon ng lalong dakilang uri. huwag kang tumangis. naaala ala ko pa hangang ngayon ang mga pangaral ng nasira mong ama sa aming dalawa ni selmo kung siya'dinadaanan ko upang kami ay maglibot sa madadawag na landasin ng buhay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | aniya: ang babai ay isang bato balaning bumabatak sa mga lalaki; lumayo kayo sa kanila, sa layong ang bisa ng kanilang lakas ay huwag umabot sa inyo, sa pagka'kung kayo ay mabalot ng kanilang mga panghalina ay mahirap nang lubha ang sa kaniya'humiwalay . ang ama mo ang dugtong ni maneng ay isang dalubhasang talaisip, nguni'ako'isang aralang aayaw maniwala, at di dumingig sa mga aral ng guro. at pagdating sa lansangan, ay nagkabiyak bunga kami ni selmo; tumungo siya sa ibang landas at ako naman ay sa iba rin. isang sirena ang aking kinahulugan, hindi ko napansin ang kanyang mababang uri. sinilaw ako ng kanyang ganda. ipinagtatapat ko sa iyo nati na siya'maganda; at sinumpaan kong sa kaniya'magsuob ng dalisay na pag ibig. luksa kayo noon at ang laging pagdalaw ko sa inyong bahay ay napigil ang patuloy. kami ni selmo ay magkita dili, panahong ikinalaya kong magpasasa sa tagayan ng maitim kong kapalaran. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | naniwala ako gaya ng sapantaha mo, na, ako'kaniyang iniibig, kaya'nang muli ninyong buksan ang inyong mga pintuan at magkapalad akong muli ninyong makahalobilo sa inyong lipunan ay nagbaka sa aking puso ang iba'ibang damdamin. ang lalaki ay talagang salawahan at halos lahat ng babaing tamaan ng malas ay nasang bathalain. at ako'isang lalaking di naligtas sa kasalanang yaon, at ang kagandahan mo ay bumalisa sa akin ng gayon na lamang, bagamang sa harapan mo ay di ako nagsasalita; di ako nagpapahayag. naging dungo ako tuwina at pinalayulayuan kitang parang kinatatakutan. tinika kong sariling tangisan ang aking pag ibig, yayamang wala sa panahon ay naialay ko na sa iba; nguni'ang gayo'di ko napaglabanan. sumapit ang sandali na naidaing ko sa iyo ang damdamin ng puso na di mo man diningig ng lubusan, ay di mo naman itinakwil. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | naaala ala mo ito at di mo malilimutan, at sa dapat na ako'palulong ay lumayo ako ng lumayo; di miminsang nakarating sa akin ang sinasabi mong ako'malaking tao dahilan sa ako'mayaman, at ang gayon ay pinapapasok ko sa isang tainga at pinalalabas sa pangalawa, pagka'ikaw naman ay mayaman din na gaya ko. nagkausap pa tayong muli. ito'magdadalawang buwan ngayon. noong magpista sa santa cruz. naaala ala mo pa ba? at ang parungit mo'gayari: talagang malaking tao! nalalaman kong ako'binigyan mo ng isang anino na umakibat sa akin tuwina at nang malaman mo ang ibig mong malaman ay nanglamig ang pakikiharap mo sa akin, nguni'ako'patuloy din sa patumbetumbeleng na pagsuyo na kailan ma'di mo nagipit na sa iyo'magtapat. at di mo pa rin ako itinatakwil. ang binibini ay taos na taos sa loob nang pakikingig kay maneng at ito nama'nagpatuloy: lumakad ang panahon na di mapigilpigilan. ang aking lihim ay mabubunyag na. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang tanging kublihan na nasa kong panghawakan, upang makipag isang puso sa kaniya ay di malalaunan at sisilay na sa sangmaliwanag. handa na akong matali sa loob ng bahay, paalipin sa isang puso, magmahal at mahalin. at ang mapanganib na sandali ay dumating, ang kabuwanan ay sumapit, at nang ang pintuan ng bilanguan na pagiging ama ay papasukin ko na, ang aking mabuting tala ay nagising, isinakamay ko sa isang pagkakataon ang isang bungkos na sulat na di ko nabasang makalawa. ako'ginising sa isang mahimbing na tulog at napagtanto kong siya ang inaakala mong inibig ay isang taksil . binulag niya yaring mga mata. at sa pagka'si nati, ng mga sandaling yaon, na iba'ibang karamdaman ang dinadanas samantalang di natatapos ang salaysay, ay di umiimik, ay binuksan ang kalupi na dinukot sa lokbotang dakong likod ng salawal at iniabot kay nati ang mga liham na sanhi ng kanyang pagsumpa kay orang. at ang sabi: nariyan ang patotoo. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | binasa ni nati ng boong bilis ang tatlong liham at pagkatapos ay tiningnan si maneng ng boong tamis. ang kanilang mga mata ay nagusap ng lihim. ngayon, ang basag ni maneng sa katahimikan. naniniwala ka na? ngayon ano ang hatol mo sa akin? di ba ako'malayang makapamintuho sa iyo ng walang kabalabalakid? may lakas ka pa bang ako'itakwil? bilang tugon ni nati ay itiningala ang kanyang mukha at nang muli pang gawaran ni maneng ng puspos pag giliw na halik, niyaong halik na di nakaw kundi lubos na kapahintulutan; at sinilo ang liig niya ng mga bisig ni nati at ang dalawang labi nila'nagdaop na malaong sandali, at ang kanilang mga puso'nagkaramdaman ng tibok. ang araw ay lumiblib sa kalunuran at ipinagkatiwala sa nagmamadaling gabi ang kanilang palad. 'ang paliguan sa marilao ay lubhang masigla, maaga pa'ang hugos ng mga autong paupahan ay nagdating dating at sangasanganakan ang nagsisiibis sa tapat ng paliguan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | iba'ibang kiyas ang handog ng tanawin; sarisaring bihis na pawang nakawiwili sa malas, at sarisaring ganda na kanikaniyang yumi at katangian ng mga dalaga ang pinagkakalipunan ng lalong mabibikas na binata sa lalawigan na tumataon sa mga gayong araw upang makipagkita sa mga taga maynila na dumadayo doon ng paliligo. ang mga dalagang pulo pulo ay parang mga tipak ng matamis na linalamgam sa karamihan ng sunod na may iba'ibang pakay. ang tanghalang yaon ng lalong mariringal na damit na pasaya ng pasaya samantalang tumataas ang araw, ay lalong dumadami, lalong sumisigla at ang pagtatalik sa lahat ng pulutong ay nakayayaya sa mga mapansinin. sa dako roon ay tuksuhan at tawanan ang nangingibabaw. sila'binubuo ng mga binatang buhat kung saan saan, at parang doon nagtiyap. may kinatawan sa kanila ng kalakal; may ng tikma; may ng gamlayan, at di rin naman iilan ang kawal ng pag gawa na sa kanila'napapahalo sa gayong pagkakatipon. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | namumukod sa kanilang pulutong ang isang binatang magilas; nakasalamin, palalo ang tindig, maringal ang bihis at sa kaniya'mababasa ang kasaganaan. sa kalingkingan ay nagaalab ang isang batong animo'mata ng pusa kung tinatamaan ng liwanag; bituwin manding nahulog buhat sa langit. gaya ng dapat na sapantahain, ang binatang magilas ay si maneng na talagang tumiwalag kina nati, na nang mga sandaling yaon ay nasa loob ng paliguan. kaumpok din nila ang isang binatang lalawigan na sa anyo ay nababakas ang isang mataas ding uri; magilas din bagamang pawang puti ang kulay ng boong kasuotan, buhat sa sapin hangang sombrero. isang munting kadenang ginto ang animo'di palamuti, kundi isang gamit na lubhang kailangan ang sa kaniyang chaleko ay nakabalatay. nakataling walang pagsala sa isang orasang karaniwan at walang dingal na di man dinudukot. di gaya nang marami na upang sapantahaing ginto ang kanilang orasang plake, ay maya'maya ay sinasangunian. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | siya'si tomas; ang kawal ng panitik na buhat sa lalawigan ay sumusulat ng sarisaring kiyas na mga tudling sa lalong mga tanyag na pahayagan sa maynila. naroon siyang walang pagsala upang sumagap ng mga kasinungalingang maihahandog sa mga mambabasa, tungkol sa mga kasaysayan sa marilao. sa mga ganitong tagpuan ay walang pakikilalanan at bawa'isa ay nagsisikap na makapagpakilala sa kanyang sarili sangayon sa kaparaanang abot ng kanikaniyang kaya. si selmo ay dumating at humalo sa umpukan at aniya kay maneng: tanghali na'wala pa ang orquesta. hangang ngayo'di pa nagsisidating. nanganganib ako na baka tayo'sinugalan ng masamang sugal. pinakingan ng boong katahimikan ni maneng hangang sa natapos na parang dumidingig ng isang panalangin, at pagkatapos ay tumugon: mahal magkakahalaga ang kanilang masamang biro pagkakataon. sina mameng, di pa ba nakapaliligo? di tinugon ni maneng ang tanong ni selmo at wari'may mahalagang iniisip. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | binabalak niya kung paano ang mabuti, sakaling ang mga musiko ay di magsidating. ang bailuhan ay matatayo sa isang malaking pagkabigo. siya pa nama'naroroon. kahiyahiya. dinukot ang kanyang orasan at sumanguni. doo'natalos niyang ganap na ikasampu na ng umaga. paliparin man niya ang bwick ay gagahulin din sa pagtitipon ng tao. ang mga musiko ay kalat kalat at di natitipon sa isang tawag. si nati at si mameng ay nangagsilabas na bihis na. ang kaisipan ni maneng na nababalisa sa kagipitang kalalagyan ni selmo sa kanilang bailuhan nang araw na yaon, ay parang binihis na daglian ng dilag ng dalawang mag pinsan. sa unang baitang pa lamang ay sinalubong na si mameng at aniya: umakiyat ka ng kaonti mameng at ang iyong mata ay doon mo itingin sa dakong timog nang masapol ng liwanag ang maganda mong pilipisan. at umurong ng dalawang hakbang, upang malasin kung mainam na ang anyo; at nang masiyahan mandin ay hinarap si nati na payak na pula ang suot. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ikaw naman anang binata ng boong tamis ay hawakan mo ang kanyang kaliwang kamay na kunwari'inaalalayan mo siya ng pagbaba. dito ka sa pangalawang baitang. ang salo ni yoyong; at sinabayan ng upo sa isa sa mga baitang ng paliguan. tiningnan ng isang makabuluhang tingin ni maneng na parang nagsasabing: nakasasabagal ka naman at pinaglabanan naman ng titig ni yoyong na parang tumutugong: tinapatan pagkatapos ng kodak at sa isang pindot ay nakuha ang larawan. pinagala ni nati ang kaniyang malas sa mga lupon at nang makakita ng mga kilalang mukha ay nagsabi: inaanyayahan ko kayo ngayon sa bahay. mayroon kayong isang sandaling kasikian na aming ikaliligaya at ikararangal. isama ninyo ang mga kakilala. boong ayos ang pagkasabi, at ang lahat ng mata halos ay sa kaniya tumingin nang mga sandaling yaon. naala ala ni maneng ang mga musiko, at sandaling gumuhit sa kaniyang ala ala ang kabalisahan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Panitikan-10 Corpus
Panitikan-10 contains Filipino literary texts from 10 Filipino authors from the late 19th to early 20th century. The data was gathered from the Tagalog books category of Project Gutenberg using the scrapy library. Various pre-processing techniques were also applied to the dataset which can also be adopted in other languages as discussed in the paper. Dictionaries, thesauruses, and works translated from other languages were excluded to solely focus on literary texts and the original author's writing style. Given that this is a subset of Panitikan-34, only the top 10 authors with the most literary works in the website were used. This would lessen the confusion of the models since there are significantly less writing styles to be compared. It also observed that the full dataset is imbalanced in terms of the number of written works per author; thus, this smaller dataset may reduce the bias toward predicting authors with more entries.
Dataset Specifications
Items | Count |
---|---|
No. of tokens | 458,254 |
Vocabulary Size | 41,210 |
No. of literary works | 19 |
No. of authors | 10 |
- Downloads last month
- 34